Thursday, May 18, 2017

Anmeron?

Tignan natin kung hanggang san makakarating ang 50 pesos ko.. Lolol! Kailangan ko magipon dahil kailangan ko ng panggastos. Ako'y simpleng mamamayan lang kaya di madali ang pagkakaroon ng pera. Dapat kitain, dapat paghirapan. Isa pa, walang para magbigay sakin at walang para hingan sa mga ganitong pagkakataon. Magastos ako? Oo. pero eto kailangan ko gawin tong challenge na to ipunin ang 50php na pera ko dahil kung hindi... Wala ko pangkain sa mga lakbay ko. Bibilangin ang ipon sa Oct at Dec 2017.

LakbayMode:
October : attend ng kasal sa Cebu. Nakabook na ko. Kailangan ko nalang ay pagsstayan at pangfoodtrip ko.

December: attend ng kasal sa Bicol.. Nakaoo na ko pero need pa magipon para pang airfare at tutulugan at pangfoodtrip ko.. Ang mga tropa kong lalake mga magpapatali na. Hahaha. Dec 30 ang kasal.. Nakapagdesisyon akong idirecho hanggang sa bagong taon ang stay ko. New Year sa ibang lugar, maiba naman. Tas aattend pa ng 2 pang kasal sa Cavite.

Nakakatawa puro kasal. Hindi ko alam kung para ba ko maasar o matakot o maiyak o malungkot bakit puro sa kasalan ang lakbay ko. Aattend ako, hindi ako magmumukmok sa kwarto. Tsaka naalala ko mula college ako mahilig nq manood videos ng mga kasal.. Mapasimple o bongga. Mas natutuwa ako panoorin ang mga simpleng kasalan lang. Hmm.. Kung hindi para sakin ang kasal, tatanggapin ko.. Kung eto ang kapalaran ko, maluwag kong tatanggapin. Hindi para magalit sa mundo, masyado ng mapait ang mundo hindi para gumaya pa ko.. kaya ang magagawa ko lang ay sumulpot at sumuporta sa kasal ng mga kaibigan ko. Masaya ko para sa inyo.

(o'. 'o)




No comments: