Sunday, April 9, 2017

C-H-R-O-M-A-2017

Last night, umattend ako ng rave party. Actually first time ko umattend ng ganitong event.. Yung tropa ko kasi na yung kaibigan niya na naging kaibigan ko nadin dun magcecelebrate ng Birthday niya. Last month pa namin nabili tix sayang naman kung di ko aattendan. Muntik na ko di makaattend kasi namali ako ng buhat at sumakit likod ko. Buti nawala din pagdating Sabado pahinga lang talaga. Ang usapang 4pm ay umalis ng past 5pm. Ang lapit ko lang sa kanila inabot pa ko ng anong petsa na.. Bwahahaha. Buti nagdala sasakyan katropa ko kundi hindi ko na alam ano oras kami makarating sa pagcommute.

Happy Birthday T! Salamat sa invite. Naalala ko pa nung una tayo pinakilala sa isa't isa click agad tau pagdating sa foodtrip. Salamat kasi di ako naOP at lage mo ko sinasama. Mula pagbili ng pagkain hanggang sa pagbili ng yosi mo. pero grabe talaga dahil di na ko umiinom, kailang ko bumili ng 100php isang bote ng tubig para may mainom. Waaa! Tawang tawa ko sa likot mo. Party animal ee! Hahaha. Masaya ko para sa'yo kasi natupad mo this year  na umattend ulet dito at salamat sa panomo sa tropa at patubig lang sakin at foodtrip after the party.

Salamat sa mga nakasama ko sa event last night na party people na katropa ng gf ng katropa ko. Ang tawag  nyo sakin mahiyain, Lage kasi ako yumuyuko pag nakukuhaan video at tahimik. Natatawa lang ako sa inyo. Hangsaya lang!

Gusto ko din magpasalamat sa katropa ng katropa ko na kagabi ko lang nameet. Na imbes na makipagkamay ako ay nakipag fistbump ako ng magpakilala ka sakin. Lakas kc makachix ee! Takte kasi tropa natin nakalimutan tau iintroduce. "A" para sa initiative. Haha. Salamat sa makulet na kwentuhan at tawanan. Sa pangungulet ko sa'yo na hanapan kita ng chix dun dahil single ka pala, At sa effort na paghabol natin sa chix na nakahulog ng lipstick kahit pa sa dulo ay natawa at nalito na tayo dahil ang dami ng nakaputi at di na alam sino sinusundan natin. Tsaka.. Salamat sa paghatid sakin dito sa bahay kahit na anong pilit ko na ibaba mo nalang ako sa malapit na sakayan dahil maoout of way ka at mahabang kwentuhan habang nasa event palang hanggang sa sasakyan mo. Salamat din at pumayag ka na ikaw maghatid kay T dahil tamad na daw kasi xa lumipat sa sasakyan ni Y. Pagbigyan birthday boy. Hahaha. Salamat sa paghintay na makaakyat aq ng bahay kaya nagbreakfast muna tayo at pinaglakad kita dahil wala parking sa kakainan natin. Pasensya na at bigla kita pinauwi ng pinaakyat na ko ng uncle ko. Taranta eh? Lakas makateenager. Yung tawa natin dun, Kahiya. Takte ka. Bwahaha. Galingan sa pagaaral Atty ha? Wag sususuko. Aja! Sa ating muling pagkikita.

Sa katropa ko na madaming katropa, Salamat Y! Palage ako welcome kahit na trip mo ko binubully at lage mo ko pinagtritripan at tawang tawang ang tropa sa mga trip mo takte ka. Nakilala ko nadin gf mo sa wakas. Hangkulet nyo. Haha. Pero tawang tawa padin ako sa mga tinginan natin dahil sa dami ng chix dun sa event.. Takte mo ka talaga.. Salamat sa pagkakaibigan Y!

One of the boys. BatangMalate. Apir!

(o'.'o)

No comments: