Friday, May 23, 2008

Ah inggit!!!


Oh meron sya nun,,, kaw meron ka ba nun?? WALA!!?? Ano naman masasabi mo? eto ba? (‘ay bagay sa kanya’, ‘ang galing meron sya nun’, ‘masaya ko para sa kanya’, ‘ay gusto ko din bibili ako ng ganun’) o eto (‘hmpf! Ang swanget.. di naman bagay sa kanya mas bagay pa skin yan eh! Bibili din ako ng ganyan papakita ko na mas bagay sakin yan kesa sa knya’) Dalawang klase ang inggit: Ang una ay ang inggit na nagdudulot ng positibong resulta at ang ikalawa ay ang inggit syempre na nagdudulot ng negatibong resulta. Makakamtan ang positibong resulta ng inggit kung wala tayong tinatapakan na ibang tao. Magtuon tayo sa negatibong naidudulot nito. Naranasan mo na ba na halimbawa ang kakilala mo may bagong damit o alahas? At hayun ang mga mata mo di magkandaugaga sa katitingin sa kanya.. na imbes na purihin ito ay siniraan mo pa.. na kesyo di bagay,. mumurahin lang yan at mas maganda ang sa iyo.. at todo inarte ka na mas maganda ka sa knya with matching taas kilay at ismid.. blah blah blah.. Bwahaha! Nakakatawa ka… Ang tawag jan INGGIT.. Oo yun nga inggitera ka! Bakit ba naiingit ang isang tao? Dahil meron syang bagay na wala ka, dahil nagagawa nya ang mga bagay na di mo nagagawa, dahil sya naranasan nya yun at ikaw ay hindi.. at dahil sa isa kang inggitera galit na galit ka sa kanya. Ang bawat kilos at galaw nya pagmamasdan mo, galit ka sa kanya kahit wala syang ginagawa sayo.. dahil nga inggit ka… ! oh ayaw pa aminin,,, aminin mo na inggitera kang talaga!!! Ang taong ganito ay hindi marunong maging masaya para sa iba. Ang taong ganito ay makasarili na puro sarili lang ang iniisip at kapakanan nya lang ang mahalaga. Ang taong ganito ay di alam kung ano ba ang tunay na pagmamahal. Tsk tsk tsk… kawawang nilalang.. Teka, alam ba ng taong inookray mo ang pinaggagawa mo sa knya? Ganun din ba sya sayo kaya galit na galit ka sa kanya? Nakarinig ka ba ng masasakit na salita laban sa kanya kaya ngkakaganyan ka? Kung hindi naman at wala naman pala syang ginagawang masama sa’yo,, bakit kailangan mainggit sa negatibong paraan? Lahat ng tao ay magkakaiba.. pero bakit???! Bakit kailangan maging ganyan ka.. di ka kuntento sa kung anu ang para sayo? O gusto mo lahat ng meron sila meron ka din.. kasi ayaw mong palalamang.. ang pagging inggitera ay kaakibat ng pagiging insekyur. Ang pagiging inggitera sa ganitong kaparaanan ay nagrerepresenta ng taong di marunong magpasalamat sa kung anung meron siya.. Ikaw ba tinignan mo na sarili mo? Ha?! Tignan mong mabuti… Ano ang nadulot sa’yo ng ganyang ugali mo??!! Meron bang maganda…? O inaakala mong maganda pero sa totoo hindi.. tama ba? Masaya ka ba?? O inaakala mo ngang masaya ka pero ang totoo ay hindi.. Tanggalin ang inggit sa katawan.. Wag kang mag-alala may bagay o mga bagay na meron ka na wala kung sino man siya o sila. Walang maiduduilot ang pagiging ganyan mo bagkus magdudulot pa ito sa ikababagsak mo. Ako sa’yo,, Magbago ka na! Ito ay kung gusto mong makamtam ang tunay na ligaya… =)


(0'-'0) LubDub

2 comments:

pishnge said...

» free to leave comments... thanks...

(0'-'0)

Anonymous said...

awesome! that's true! nice work!