Saturday, December 7, 2024

K y o t !!!

Ang cute nung mga usong P o p m a r t plushies .. Nakakatuwa manood ng mga unboxing ng mga ganun. Ang pinakanagustuhan ko sa kanila yung C r y b a b y.. Daming cute! Cute pero hindi ako interesado bumili kasi para sa akin ang mahal. Ganun pa man, masaya ako para sa mga tao na merong collection na ganun at kung masaya sila, Go! :) Kagabi nakatanggap ako ng regalo mula sa kapatid ko.. isang D I M O O.. Waaaa! Sobrang ganda. Ganun pala feeling magunboxing.. Nakakaexcite at ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos ko magopen ng isa parang gusto ko bumili ng iba pang kulay, kaso huwag na pala.. Hahahaha kaya nanood na lang ulet ako mga videos ni D i m o o. Salamat sa regalo! Magpapasko na pala.. Ayoko bumili mga gamit o sapatos ngayon at may nagagamit pa naman ako. Pero tuwing nakikita ko yung o n i t s u k a ang ganda.. Maganda kaya gamitin sa paa ang onitsuka tiger? Pagiipunan ko na lang kung maganda at sulit bilhin pero hindi naman nagmamadali. May 3 akong bagong libro. Yung isa daily devotion siya para sa 2 0 2 5. Ang binabasa ko ngayon ay ang TCTBD. (o'.'o)

2 comments:

Anonymous said...

Yes solid po onitsuka sabi nila hahahahaha. Try mo den Puma Suede Classic comfortable den 😀

pishnge said...

check ko nga yang puma suede classic. parang ang saya ng bagong sapatos.