Hola! Ilang araw na lamang pasko na.. Ngayon na lang ulet ako nakabisita rito. Kamusta ka bebeblog? Ang dami na ganap ilang buwan lang ang lumipas.. Natapos na ang pangalawang dental surgery ko at nagpapasalamat ako sa asawa ko sa pag-aalaga sakin. Mula sa pagprepare ng pagkain at pagpapaalala sa pag-inom ng gamot.. This week naman katatapos lang magpakonsulta sa doctor dahil sa hindi inaasahan na pangyayari tungkol sa ibang bagay. Heto gamot muli. Salamat ulet sa kanya. Ang sakitin ko na pala talaga. HAHAHA Grabe ano, maigsi lang ang buhay. Isang iglap ang tanda na natin at marami na pagbabago sa ating katawan at kalusugan.. kung kaya’t pahalagahan ang kada araw.. Hanggat maaari, ipakita natin ngayon ang pagmamahal natin sa mga taong mahalaga sa atin hindi kung kailan huli na at tapos na. Tsaka alam mo kahapon ang hirap sumakay, nagbook ang asawa ko ng g ra b para kumportable ako na makauwi.. kaya ko naman na magbook mag-isa pero ginawa na niya.. hanggang sa matapos kami magdinner, normal na araw, kwentuhan hanggang sa nagsabi siya na buksan ko daw ang ref .. eh ayoko na tumayo kaya napilitan siya na sabihin na may ice cream sa ref. Alam niya na paborito ko yun, hindi naman ako nagpabili, hindi ko rin naman sinabi na nagccrave ako dun, binili lang niya. Mga simpleng bagay ay isa sa mga tunay na mahalaga. Hindi kailangan maghintay ng okasyon para maiparamdam sa atin na tayo ay espesyal. Ambag ko? Magtimpla ng iced coffee niya. Hindi kailangan ng sobrang effort haha Ganun kasimple. Hindi perpekto na relasyon pero araw araw mahalaga kami sa isa’t isa. Kaya’t mapapangiti ka na lamang. :)
Hindi ko na alam kung ano ang nagawa ko sa nakaraan upang maranasan ko ngayon ang ganitong klase ng pagmamahal at alam ko ang bawat isa sa atin ay may hangganan, hindi na ako naniniwala sa forever.. ganun pa man, ang pagdating niya sa buhay ko ang isa lubos kong ipinagpapasalamat. Maligayang Pasko sa lahat.
(o’.’o)