Saturday, October 15, 2022

C i r c a 2 0 1 7




 Bigla ko lang nakita sa memories ko. Nakakamiss din ang dalawang ito.. Hindi ko maalala kung napost ko na sila dito bebeblog. Ganun pa man, nakakamiss na maglakbay kasama ang mga kaibigan.. Kanya kanyang ganap lang din talaga eh. 3 lang maiinvite ko sa kanila. Sobrang limited pax lamang. Ganun pa man, Sila P at F pati asawa nya lang ang napili ko makapunta sa araw ng kasal ko. Wala na sa ibang tropang e s p a n y a ang makakasama pa. Gustuhin ko man iinvite lahat, kaso di kaya. Kitakits na lang sa susunod hihihi 

Sana makalakbay at makapagbonding muli kasama ang tropa balang araw. Nakakamiss na! 

Ngapala, may funmeet ang ang E N - sa Dec. 03, Waaaaa!!! Sana makapanood ako. Hahahuhu. Kaso iniisip ko budget at syempre nga ikakasal ang ate mo. Haaaay. Nawa’y masilayan sila sa araw na yun. Hihihi

Isa pa pala, alam mo ba nag team labas ako nung S e v e n t e e n concert dito sa manila hahahaha ganun pala yun ang saya din. Tapos malalaman ko na inannounce na may concert sila sa December din. Gusto ko din sila!!! So paano na? Hubu priorities huy! Ikakasal ka te. Annyeong! Lol! 

Pag eto pumunta pa dito sa mnl n e w j e a n s, b t s, I U at m a m a m o o ewan ko na talaga! Hahahaha mga love ko din sila eh!

(o’.’o)

q en a

Natapos na kanina yung interview namin with Fr. 1 oras at kalahati din tumagal interview. Ang dami din katanungan sa ganun. Bago magtapos ang usap, sabi samin ni father “very good”.. Pagkatapos namin syempre nagkwentuhan kami ng bf ko, ang sabi daw ni father sa kanya halos pareho kami ng sagot which is true nga.. yung papel na pinadala samin ni fr.. nakita namin mga sagot namin dalawa at marami nga pagkakapareho. Hehehe Ang final na tanong nya sa amin ay magbigay ng dahilan kung bakit nya kami dapat payagan ikasal eh kahit 2 taon pa lang kami magkakilala  .. sinagot naman namin pareho. May pahabol pa, sabi nya bago magpaalam eh ganun daw kapag mature yung relasyon, hindi kumplikado. Nakakatuwa din na eto na nga, nagaasikaso na.. pero wala pa din ako f l o r i s t hahahuhu. Ang dami ko pa kulang huy!

Kumain muli kami sa b l a k e’s .. ang sarap talaga dun. Sulit siya. Nagshare kami sa tuyo pasta at naubos namin hahahaha tsaka babybackribs.. may natira, inuwi ko sa kapatid ko gusto nya mga ganun. Haha

Next year na babalik para sa rehearsal pero magsisimula na magasikaso ng documents na pagkaraming hinihingi. Ehe. Osya. Good night. 


(o’.’o)