Wednesday, April 20, 2022

F u d g e

Hindi ako mapakali  kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Ikakasal ako sa December 2022. Actually, tentative month ito dahil naniniwala ang side ng fiance ko sa sukob at sa side ko naman ay hindi naniniwala dun.. kaya pwede rin na first quarter of 2023 maikasal. Andyan din yung pressure syempre mula sa pamilya considering yung age ko daw. hahaha Sa Sunday, game na talaga kasi gagawa kami guest list ng fiance ko at paguusapan namin ang kasal. Gusto ko ikasal, yes..tinanggap ko proposal niya, yes.. gusto ko siya makasama pagtanda, yes.. kaso mukhang meron akong u n h e a l e d relationship trauma mula sa past experiences and relationships ko. Inaatake ako ng anxiety. Naalala ko gusto ko maranasan na ikasal simula 18 years old pa lang ako pero ngayon biglang gusto ko ba talaga? Don't get me wrong, mahal ko fiance ko.. Kaso andyan bigla yung takot na kapag natali ako at ginago ako muli ay hindi ako agad makawala, Andyan yung kinaya ko naman mag-isa ng ilang taon na eh, kailangan ko ba talaga siya. Andyan yung huwag na lang siguro ako. Andyan yung kung ano yung pwede ko masabi o magawa o makasakit ako ng damdamin niya dulot ng trauma na ito at ayoko siya masaktan. Iniisip ko din ang pagbabago kapag kinasal na kami sa kung saan kami titira, sino makakasama, paano ba talaga ang ganap ng mag-asawa. Halo-halong emosyon pero ako ngayon ay mas nababalot ng pagkanegatibo. Uhm.. baka pwede naman na wag na lang ikasal? Parang ayoko na ikasal? Haaaay.. pero sa totoo gusto ikasal sa kanya. Ikakasal ako sa kanya. Walang rason para hindi siya piliin at pakasalan.

hmmm.. breathe. Kailangan maresolve ko ito at yun ang gagawin ko. Ayoko naman maikasal ng half hearted dba. Aja! One day at a time at dasal talaga. Whew! Salamat sa pakikinig bebeblog.

(o'.'o)

Monday, April 11, 2022

Huy TY

Kahapon kumain kami sa mall ng fiance ko. Salamat sa treat na yogurt ice cream.. first time ko matikman ang l l a o l o a o.. masarap. Ako naman nagtreat lunch kasi palaging siya na lang. Kumain kami sa g e n k i s u s h i.. hindi pa daw kasi nya natry dun kaya ayun. Naenjoy namin mga food nila pati matcha tea nila. Bago umuwi dumaan kami sa drugstore at bumili siya gamot para sa kapatid niya.. palabas na kami tapos may inabot siya chocolate. Malaking c a d b u r y m i l k c h o c o l a t e. Hala! Napangiti ako. Kasi sa magkaibang counter kami pumila so di ko alam binili nya. Nakakatuwa kasi naalala nya pa ako.. Hindi nya daw kasi ako nabigyan chocolate pagdating nya kanina, oo nga, maliit na bagay pero bigla ko naisip palagi siya may dala chocolate para sakin sa tuwing bumibisita siya, maliliit o malaking chocolate.. basta meron. Kaya napangiti naman ako, simpleng detalye.. pero alam nya mga paborito ko at makakapagpasaya sa akin kaya Salamat, Ginoo. Nakakatawa din pala siya habang naglalakad kami sa mall. Laughtrip ih! Salamat sa pagpapangiti sa akin. Natapos ang gabi na nagpasalamat kami sa isa’t isa at sa taas dahil magkasama kami today. TYL.

Ngapala, nagpabutas ulet ako sa tenga. Nagsara na kasi yung 2. Magpapalit na lang ako hikaw next time. Nawa’y maghilom ng maayos.

Tungkol sa kasal, kinausap nya ako nung kailan pa na maggawa na kami ng guest list kaso ayoko pa. Hahaha baka tapusin na muna namin kasal ng kapatid nya this year. Makakasal din, balang araw. :)

(o’.’o)