Hi, napadaan lang. Kamusta kayo? Kung meron man nakakabasa ng blog ko, ingat palagi at magpavaccine ka, okay? Kamusta ako? Madami pagbabago, maliban sa weight at maskne, uhm adulting ganap, atbp. Naghahanap pa rin ako sideline lalo at pandemic ngayon, dagdag income. Ngapala, nakasale ang c e b u p a c hanggang ngayon ata? Magbook ka na. Hihihi Nagbook kami ng bf ko nung isang araw. Ewan bakit Iloilo naisipan namin mula sa iba pang nakapromo dun. Tapos nalaman ko na C i t y of L o v e pala yun, So kitakits! Hahahaha Sabi ng iba wala naman daw kami gagawin dun, sakto lang daw yung lugar, pero tutuloy pa rin kami, eh di gagawin namin maganda stay namin, ieenjoy namin bawat lugar na mapupuntahan namin dun. :) Teka, ano ba magandang puntahan sa Iloilo? Eto yung magiging unang travel namin as a couple. Katuwa din kasi ang lowkey lang ng relationship. Ang private at ang mature lang, wala kasi kami parehong kailangan patunayan sa ibang tao, tanggap namin ang strengths and weaknesses ng isa’t isa. Maganda rin ang flow ng relasyon so far kasi nagstart kami mag Gratitude Sunday kung saan pinaguusapan namin ang nararamdaman at pinagpapasalamat ng bawat isa. Bago pa lang kami sa relasyon, pinagusapn na namin yung love language namin dahil makakatulong yun. Sabi ko sa sarili ko ipopost ko lang siya kapag nagpropose na siya o kinasal na kami, at least yun, sigurado na. Alam ko di pa yun happy ending pero at least matutuldukan na ang pagiging guest ko sa kasal kundi ako na, magiging bride na. Haha Ayoko na kasi ng marami pang paandar sa relasyon o sa socmed sa ngayon, pero ang labo din, kasi gusto ko magvlog kami dalawa balang araw, parang ang kulet lang kasi nun at ang saya ishare ang story namin. Hihihi. Gusto siya ng pamilya ko dahil may desisyon siya para sa amin. Simple lang, pero meron at yun ang mahalaga. Minsan nangangamba ako at nagooverthink, kasi iniisip ko ang tanda ko na, nalipasan na ako at baka huli na, hindi ko pa nga sure kung mabibigyan ko siya anak pero siya.. Siya yung nagpapakalma sa akin, inaassure nya everytime na sapat ako at may mahalaga ako. Mamuhay sa kasalukuyan, huwag magpalamon sa nakaraan at mangamba sa kinabukasan. Hindi naman namin kailangan ng buhay na sobrang rangya pero ang mahalaga, yung magtutulungan kayong dalawa. Hindi rin namin kailangan ng kasal na sobrang garbo, ang mahalaga andun kaming dalawa at ang mga taong naniniwala. Darating din kami dyan balang araw kung siya na nga talaga. Malalaman ang susunod na kabanata, babalitaan kita bebeblog.
Masaya ang puso ko sa parteng ito, sa panahon na sobrang gulo dumating kami sa buhay ng bawat isa ng hindi inaasahan.
Ngapala, naging maayos naman ang pagbisita ko sa kanila. Maayos naman ang pakikitungo ng pamilya niya sakin, Salamat po sa inyo. Hihihi
(o’.’o)