Saturday, December 4, 2021

H a p p y y a r n?


Hoooooyyyy!!! Yan ata lahat halos reaksiyon ng marining nila ang balita. Nagulat ang karamihan kasi hindi ako nagpopost sa social media, may bf na daw pala ako. Hahaha Ilang iyakan pa ba ang magaganap dahil sa sobrang tuwa nila. Status: Engaged. Ang nasabi ko na lang ay Thank you, God. Naglunch date kami kanina ng bf ko na ineschedule niya. Siya namili ng lugar at araw pati oras. Doon na kami nagkita at yun ang medyo nagtataka ako, madalas kasi kapag lalabas kami ay sinusundo pa niya ako sa bahay. Ngunit wala naman ako inisip kanina kundi magenjoy habang kasama siya na kumakain. Masasarap pagkain dun. Mabagal lang ako kumain kasi for surgery ako sa ipin. Nasa dessert na kami pero bago kumain ay hinawakan niya kamay ko tapos sabay tanong ng “Will you marry me?” Ang nasabi ko na agad “Sigurado ka?!”.. Sabi niya, “Oo” tapos sabi ko “Yes!” Grabe! Ganun pala ang pakiramdam nun. Di ko maexplain. Pero ang alam ko lang wala yung emosyon na lungkot sa nararamdaman ko nung mga oras na na yun. Natapos ang araw namin sa pamamagitan ng pagdarasal na kung saan pareho kami naiyak. Yung ang tagal ko hinintay ito. Sa kung sino ang may malakas na loob para piliin ako at heto na nga po… Salamat sa pagmamahal mo, Ginoo pero mas salamat sa Diyos. Kasalan na? Woohoo!!!

Mahiwaga pipiliin ka sa araw-araw.🎵

(o’.’o)

Sunday, July 11, 2021

Huminga at magpatuloy

Sa ilang buwan na hindi pagpopost, eto ako muli. Kamusta ka bebeblog? Para bang kay tagal ko nawala, sa ilang buwan na yun ay madami na ang nagbago.

Mula katapusan ng Marso hanggang sa huling linggo ng Abril ay lumaban ako sa sakit na C o v i d - 19. Halos lahat ng sintomas ay nasa akin.. andyan yung mataas na lagnat, ubo, sipon, walang panlasa at pang-amoy at hirap sa paghinga. Halos 1 buwan rin ako sa Ospital. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng nagdasal, sa tumulong pati na rin sa mga empleyado sa loob ng Ospital sa pagaalaga sa akin. Hindi biro ang bawat araw lalo pa at mag-isa lang ako sa kwarto. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa ikalawang buhay at pagbibigay pa sakin ng tsansa na manatili sa mundong ito. 

Buwan ng Abril ng kunin na Niya ang Lola ko. Sobrang sakit at lungkot ng kanyang pagkawala. Hindi ko man lang siya naalagaan at nakita. Lumaban din sa sakit na C o v i d - 19, ngunit hindi na kinaya. May mga ibang sakit na rin kasi ang lola. Nawalan ako ng chance maggrieve sapag ako mismo ay lumalaban upang mabuhay. Hindi ko na mabilang ang ilang beses na pag-iyak at pagdarasal lalo na para sa lola ko. Ganun pa man, nagtitiwala ako sa’yo Panginoon kung ano man ang plano mo sa aking buhay.

Ano ang nabago? Alam ko na kung ano ang mahalaga, ang pamilya, ang sarili at pagiging mabuting nilikha Niya. Mas naging simple at mas mahalaga ang kapayapaan at kalusugan. May mga bagay at sitwasyon pa rin na nakakapagpalungkot ngunit hindi para sumuko. Bakit hindi pa ako kinuha? May purpose pa si God sa akin. Hindi papagapi sa kung anumang negatibo na nararamdaman. Magpapatuloy...

Natapos na rin pala ang aking kaarawan, nagkita kami. Salamat sa hindi pagsuko at sa pagmamahal. Masaya din kasi lumabas kami para magdate nung Anniversary namin. Maligaya lang, kumain, naglakad lakad at nagkwentuhan. Hindi pa rin ako kasal. Maghihintay na lamang din. Ayoko na mag-isip kung kailan ang proposal o ano. Mabuhay kada araw, yun na lang. Marami pa rin bagay na dapat ikasaya. Salamat sa mga taong pinipili ako sa araw araw. Salamat rin sa pagpili ko sa aking sarili this time. Hihihi

(o’.’o)

Monday, March 29, 2021

F e v e r

Nilalagnat ako since kahapon pa. Nag39 degrees ako nung madaling araw. Pabugso bugsong ubo. Pero alam mo mas masakit ? Yung ingrown ko sa paa. Hahaha Hindi ako natuloy magpunta sa ER kanina dahil may lagnat pa rin papahupain ko sana muna, kaso mukhang di huhupa at tumataas na naman. Kaya may lagnat o wala, magpunta na ko sa ospital bukas. Sino ksama ko? Ako lang.. dahil mahirap na at kung c o v i d 19 eto ayoko naman makahawa pa. Sa makakabasa neto, please pray for me at sa lola ko rin. Alam mo sa lola ko ako nagaalala lalo eh, kasi di siya masyado daw nagkakakain. + ubo at pananakit ng lalamunan, naswab na siya kahapon, tapos need din siya salinan ng dugo, tapos kailangan iuwi dahil wala bakante sa mga ospital. Wait na lang siguro muna result nya. Sana maging maayos na siya. Ang hirap nun kasi di ko siya maalagaan dahil ako mismo may sakit at di pwede lumapit sa kanya. Kaya ikaw, oo ikaw, mag-iingat ka. 

Salamat sa mga taong nangangamusta at gumagabay sa akin. Pagpalain po kayo ni God.

(o’.’o)

Saturday, March 6, 2021

C i t y of L o ve PH

Hi, napadaan lang. Kamusta kayo? Kung meron man nakakabasa ng blog ko, ingat palagi at magpavaccine ka, okay? Kamusta ako? Madami pagbabago, maliban sa weight at maskne, uhm adulting ganap, atbp. Naghahanap pa rin ako sideline lalo at pandemic ngayon, dagdag income. Ngapala, nakasale ang c e b u p a c hanggang ngayon ata? Magbook ka na. Hihihi Nagbook kami ng bf ko nung isang araw. Ewan bakit Iloilo naisipan namin mula sa iba pang nakapromo dun. Tapos nalaman ko na C i t y of L o v e pala yun, So kitakits! Hahahaha Sabi ng iba wala naman daw kami gagawin dun, sakto lang daw yung lugar, pero tutuloy pa rin kami, eh di gagawin namin maganda stay namin, ieenjoy namin bawat lugar na mapupuntahan namin dun. :) Teka, ano ba magandang puntahan sa Iloilo? Eto yung magiging unang travel namin as a couple. Katuwa din kasi ang lowkey lang ng relationship. Ang private at ang mature lang, wala kasi kami parehong kailangan patunayan sa ibang tao, tanggap namin ang strengths and weaknesses ng isa’t isa. Maganda rin ang flow ng relasyon so far kasi nagstart kami mag Gratitude Sunday kung saan pinaguusapan namin ang nararamdaman at pinagpapasalamat ng bawat isa. Bago pa lang kami sa relasyon, pinagusapn  na namin yung love language namin dahil makakatulong yun. Sabi ko sa sarili ko ipopost ko lang siya kapag nagpropose na siya o kinasal na kami, at least yun, sigurado na. Alam ko di pa yun happy ending pero at least matutuldukan na ang pagiging guest ko sa kasal kundi ako na, magiging bride na. Haha Ayoko na kasi ng marami pang paandar sa relasyon o sa socmed sa ngayon, pero ang labo din, kasi gusto ko magvlog kami dalawa balang araw, parang ang kulet lang kasi nun at ang saya ishare ang story namin. Hihihi. Gusto siya ng pamilya ko dahil may desisyon siya para sa amin. Simple lang, pero meron at yun ang mahalaga. Minsan nangangamba ako at nagooverthink, kasi iniisip ko ang tanda ko na, nalipasan na ako at baka huli na, hindi ko pa nga sure kung mabibigyan ko siya anak pero siya.. Siya yung nagpapakalma sa akin, inaassure nya everytime na sapat ako at may mahalaga ako. Mamuhay sa kasalukuyan, huwag magpalamon sa nakaraan at mangamba sa kinabukasan. Hindi naman namin kailangan ng buhay na sobrang rangya pero ang mahalaga, yung magtutulungan kayong dalawa. Hindi rin namin kailangan ng kasal na sobrang garbo, ang mahalaga andun kaming dalawa at ang mga taong naniniwala. Darating din kami dyan balang araw kung siya na nga talaga. Malalaman ang susunod na kabanata, babalitaan kita bebeblog.

Masaya ang puso ko sa parteng ito, sa panahon na sobrang gulo dumating kami sa buhay ng bawat isa ng hindi inaasahan. 

Ngapala, naging maayos naman ang pagbisita ko sa kanila. Maayos naman ang pakikitungo ng pamilya niya sakin, Salamat po sa inyo. Hihihi

(o’.’o)

Friday, February 12, 2021

J a n u a r y 2021 Playlist

Hi, eto yung mga songs na trip ko ngayon pakinggan. Feel free to listen to these songs. Enjoy!

1. Winter Sun - Mogli

2. Monsters - Jon Caryl

3. Everybody wants to rule the world - Chlara / Mateo Oxley

4. You can’t hurry love - Julia Ross

5. Lot to Learn - Vivid Color

6. You were good to me - Jeremy Zucker/ Chelsea

7. Feels like you - Faime

8. Oceans - Hillsongs

(o’.’o)

Saturday, February 6, 2021

B A O

 





Learning is fun with this cute dumpling.

M a s k n e tho :(  

L o v e update: 
I will be meeting his parents tomorrow.

(o’.’o)