Monday, October 21, 2019

L A N G O Y







Sulit na dive. 4 dives sa daytrip.
Nagkaproblema lang ako sa mask ko nung 2nd dive. maluwang pala. Tas medyo hirap ako mag equalize, first time ko kasi gamitin mask kaya nangangapa pa. medyo ilang magtanggal mask sa ilalim kasi nga may dalawang bagong butas sa tenga ko. Natatakot ako matagalan ako magkabit mask. Pag tumatama nga bubbles sa tenga ko medyo masakit eh. Ayusin ko na maige mask ko next time, ngayon alam ko na tamang higpit nya. Kaya medyo fail 2nd dive kung kailan may jacks. Pero huy, ang ganda ng school of jacks. Ang ganda nila  tignan! Buti nagpakita at naabutan pa dahil nga sa mask prob ko. Haha tas madami pang isda at mga clam. Ang kalmado sa ilalim. Sarap! May iba talagang mundo. Kailan kaya next? Gusto ko muli.

Ngapala, sobrang gusto ko gamit kong fins. Maganda hiram at ginagamit ko dati na scubapro jetfins at proven na maganda yun. Pero etong fins ko na nabili waaa eto yung fins para sakin. lol. Apeks rk3. Eto na yun. Sobrang di ako nahirapan gamitin siya at sakto lang din yung haba nya sa akin. Mahal ko na siya. Bakit white? Since beginner ako, para makita nila ako agad. next time na yung orange na fins na nakita ko. Pag yumaman na ko. Nyahaha. Salamat sa safe dive po. :)

Update sa work, baka nov na ko magstart. Good luck!
  
(o'.'o)


Wednesday, October 9, 2019

s c a r e d AF

Natatakot ako sa aking pagalis, ngunit sa tingin ko ay kinakailangan. Ako ay kanilang pinipigilan, salamat sa mga piling taong may pakielam. Hindi ako perpekto at madaming pagkakamali sa mundong ito na kung pwede lang ibalik at masolusyunan. Sa trabaho, pamilya, relasyon, lahat yan may salto. Ngunit hindi na maibabalik ang nakaraan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, inilatag ang pagbabago at akin itong sinunggaban. Pagod na ako sa magulong mundo. Oo alam ko walang perpekto pero kung mas magulo ang papasukin ko, eh ano, ang mahalaga bago. Bagong kaalaman, pakikisama at pagmamasid sa kung ano ba ang nasa paligid ko. Kung ibabalik ako sa dating trabaho, ayos lang, ipagpapasalamat ang pansamantalang karanasan. Sa totoo, sobrang natatakot ako sa kung ano ang papasukin ko. Matagal ng nawala ang dating bibo. Ako ngayon yung tipo ng tao na makikita mo sa sulok kung papasok ka sa isang kwarto. Yung taong mas pipiliin pa magisa kesa makihalubilo. At kung makikihalubilo sa mga piling tao lamang dahil kapag madami, gusto ko na maglaho. Ako ngayon yung nawalan na ng lakas ng loob dahil pakiramdam ko ang bobo ko. Ako yung tao na biglang naging pipe at hindi na makasabay sa galaw ng mundo. Hindi mo ako mapagsasalita dahil wala lang naman ako. Ako ngayon yung hindi na interesado sa mga lalaki dahil pakiramdam ko walang magmamahal sa akin ng totoo. Ako ngayon yung pakiramdam na napagiwanan na ng lahat. Ako ngayon yun pinipiling magpakabuti ngunit hindi ako perpekto sinasabi ko na sa'yo. Ako ngayon yun. Ang babaeng pilit na ngumingiti sa araw araw at pilit na lumalaban para sa buhay na mayroon ako. Gusto ko sana manatili, gustong gusto ko ngunit kung hindi ko susubukan paano ko malalaman kung ano ang nasa kabilang dulo..

Sa buwan na ito ako ay lilisan. Sa ating muling pagkikita, Salamat family.

Balik M a y n i l a, yan ang ganap ko.

(o'.'o)

Wednesday, October 2, 2019

r i p c u r l



Siya si r i p c u r l. Isang aspin na doggo. Aso ko ba siya? Hindi eh. Pagala gala siya eh pero dito dito lang naman malapit samin. Nung nakita ko siya dati, nagustuhan ko na siya. Pinapakain ko siya pag may tira ako hanggang sa tumagal, pinagluluto ko pa siya ng pagkain nya. Almost 2 weeks siya nawala netong simula ng September. Ang naalala ko bago siya mawala eh dalawang araw na magkasunod ko siyang sinasabihan na paano siya kapag wala na ako. Dahil nga kasi sa mga pagbabago na ganap sa buhay ko. Tas kinabukasan wala na sya. Sobrang lungkot ko nun kasi ilang buwan ko na siyang alaga kahit papaano. Andun yung hinahatid niya ako papasok office na maraming beses nangyari. Tas siya mararatnan ko paguwi ko tho minsan nawawala pero sumusulpot siya araw araw. One time sumama pa sya sakin tumakbo sa oval para magjogging. Ang paghatid sakin sa grocery store. Tas pinagawan ko pa nga siya kainan na may pangalan nya eh. Nung nawala sya, plano ko na ipagtanong sya baka kasi nahuli buti bigla sumulpot. Muntik na ako maiyak, niyakap ko sya mahigpit. Masaya ako sa kanyang pagbabalik. Masaya ako lalo nung sabihin ko sa kanya na isasama namin siya kung san man kami lilipat. Ngunit nagkaroon na naman ng pagbabago kung pwede ko lang siya isama sa pupuntahan ko. :( Ganun pa man, susulitin ko ang mga nalalabing araw na kasama ko siya. Alam ko naman na aalagaan siya ng mga kasama ko. Salamat ripcurl sa pagprotekta sa akin sa tuwing magkasama tayo. Pero nakakatakot ang pagtahol nya sa tuwing may makakasalubong kaming ibang tao. Sa pagpapangiti sa akin sa tuwing kinukulit mo ako. Mamimiss ko din ang pagkamot sa'yo kapag naglalambing ka. Hahaha Salamat kasi ng dahil sa'yo nagbalik ang pagmamahal ko sa aso. Isa ka sa mga maikwekwento ko sa ibang tao kapag naging lola na ako. Mahal kita, r i p c u r l.

(o'.'o)