Nung isang araw, napatingin ako sa mga kamay ko, at akin siyang sinuri, may iba. Hindi na siya katulad noon. Madami ang nagsabi sa akin na maganda daw ang kamay at mga daliri ko. Yung bigla may magsasabi "ang ganda mga daliri mo no? O kaya ang ganda pala mga daliri mo?" Minsan ipagmamalaki pa nila na maganda ang hugis ng daliri ko. Hindi man mahaba ngunit maganda ang hitsura at pagkakahulma. Siguro raw ay wala akong ginagawa sa bahay. Ngunit sa araw na iyon, matapos ko siyang pagmasdan, ang kukong pudpod na dati ay nakahulma at madalas naka nailpolish, ang dating makinis, ngayon ay kulubot bang maitatawag iyon, may pagbabago na. Nakakita rin ako ng mga linya na hindi ko mawari sa dami ng bilang nya. Ang dating malambot na palad kung hahawakan, ngayon ay may konti ng gaspang. At sa aking pagtitig, ako ay nakaramdam ng lungkot. Sabi ko sa sarili ko, wala ng maganda sa akin, dahil hindi na katulad ng dati ang aking mga kamay. Ang isa sa mga madalas pinupuri sakin, naglaho na.
Aking binalikan ang mga kaganapan. Ang isa sa pagbabago na nagagamit ko ang aking mga kamay ay sa pagluluto. Oo. Nagluluto na ako. Kaninang dinner, nagluto ako ng bicol express. First time ko magluto nun. Nagustuhan naman nila, ubos ang kanin eh. Yung isa lang ang hindi masyado nagenjoy kasi di siya mahilig sa maanghang. Sa 6 na kumain, 5 ang nasarapan at sapat na iyon. Pati ako nasarapan kasi masarap ang pagkakaanghang gaya din ng sabi nila. Hindi ito yung anghang na ayaw na magpakain. Kaya masaya ako at nagustuhan nila. Last week nagluto ako ng chicken fillet in curry yellow sauce with salted egg at nagustuhan naman namin ng housemate ko, napadami nga kain namin nung gabing yun. Dinala ko ang tira sa office kinabukasan at kinain nila habang lunch. Pagbalik ko office, ang sabi nila "masarap" May nagustuhan, meron ding hindi masyado kasi hindi fan ng curry. Kanya kanya din namang panlasa ang tao, kaya ayos lang. Kanya kanya din na gustong klase ng luto, kunwari ako sobrang ayoko ng pineapple sa adobo, parang ganun din yun. Tumatanggap din naman ako ng puna kung may dapat baguhin o mali, kunwari matigas pa ang karne o masyadong maanghang at kung anu ano pa. Tapos meron pa pala, nagpaturo ang officemate magluto adobo sa bahay nya tas di ko alam yung isang officemate dinala yung sobrang adobo kinabukasan tas natikman nung iba pa di pa nakakatikim luto ko, nalaman ako nagluto, pagdaan ko sa wing nila "pwede ka na mag-asawa!" lahat sila ganun sinabi. Nakakataba lang ng puso sa tuwing napupuri ang luto ko. Matutuwa mga kamaganak ko na masasarap din magluto. Hahaha pero hindi naman ako nagluto para humingi ng papuri, nagluluto ako dahil gusto ko magluto, nagpapractice ako magluto, gusto ko matuto at nageenjoy ako.
Uhm pero sa totoo, medyo naluha ako sa ganap na ito ng mga kamay ko. Hahaha Sobrang gusto ko rin ang aking mga kamay. Ngunit totoo nga na ang ang panlabas na kagandahan ay lilipas rin. Masaya ako na minsan sa buhay ko, naging maganda sa panlabas ang aking mga kamay at sapat na iyon. Sa ngayon, masaya ako na hindi man kagandahan ang aking kamay katulad nh dati, ito naman ay nagbibigay ngiti at busog sa mga tao sa pamamagitan ng simpleng luto ko at para sa akin ito ay maituturing rin na kagandahan. Salamat pa rin.
Tsaka nakapaglinis na rin pala ako ng toilet syempre pati toilet bowl. Hindi lang once.. mga twice. Oops! HAHAHA
(o'. 'o)