Thursday, August 29, 2019

T r u s t the p r o c e s s

Nagkaroon kami ng emergency meeting kanina. Ayoko idetalye. Nalulungkot ako. Ganun pa man trust the process ang peg ko. Kung ano ang will ni PapaGod sa amin, tatanggapin ko. Kapag nagkataon next month madaming padaadjust ang magaganap. Hay.

Maiba, sa Sunday kasama ako sa dive. Sa ngayon, ipapatong ko sa leggings ko yung nabili ko dati na below the knee pants. Kaso 3mm lang siya. Wag na sana ako masugatan, kundi need ko ata talaga wet suit na next time. Hirap kasi isuot nun tsaka parang wala ako makita na kasya sakin kaya ayoko nun. Ehe. Di na makirot ngunit nagpeklat na yung sugat ko sa tuhod. Kasama ng sugat ko ng plumakda ako kaya sugatan tuhod tas nagbutlig butlig na tsaka eto ngayon, ang panget na pala tignan ng tuhod ko. Wawa. Goodluck sa susunod na sisid. Sana makakita na ko pawikan at sana maging maayos naman.

Ngapala, 2nd week ng September may lakbay ako, sumabay pa ang ganap sa work. May two weeks ako magligpit ng gamit at the same time, two weeks para ayusin work ko at two weeks magpaliit tyan dahil sa lakbay ko magsusuot ako swimsuit. Lakas. Hahaha

Sa totoo lang, pinipilit o  uhm pinipili ko kumalma sa ganap sa buhay ko. Nagulat kaming lahat eh, na eto na naman, eto na pala. Agad agad man, tiwala lang.

(o'. 'o)

Wednesday, August 28, 2019

Langoy pa.




Bangs! HAHAHA nagpagupit ako ng buhok nung last na holiday na Miyerkules. Nagdive kami last Sunday. 5th dive ko na ito. Ang daming isda. Kaso nasugatan tuhod ko ng corals :( Ang sakit nung parteng yun,  namumula nga sya ngayon. Kailangan talaga makapal gamitin na pants. Tsk. Pero masaya sa ilalim. Excited ako sa mga darating na dive. Sa darating na Sunday may dive ulet, kaso pala hindi ako sure kung makakasama ako pero gusto ko. Ang dami ko bayarin ngayong katapusan eh. Bills bills bills. Sasama o sasama?

(o'.'o)

Friday, August 16, 2019

N E M O


Hello bebeblog! Natapos ang unang dive ko sa dagat last weekend. Positibo naman ang feedback nung dive instructor namin. Kailangan pa lang magpractice pa kami ng finning. So far, natutuwa siya at mabilis kami matuto. Aga kami nakapagcheckout, pasado ako. Wala na matindihang tutukan na naganap sa amin. Sobrang nagenjoy ako. May naging konting problema lang nung sa last day na check out, pagkaahon ko biglang sumingaw bcd ko (may bumara pala na bato)  pero buti daw kalmado ako nakarating ng ako shore ng payapa. Sunod lang sa instructions at dapat wag magpanic kundi tegi, di na siguro nila nalaman kung san ako unti unting lumulubog kundi ako nakasigaw para sabihin na ayaw maginflate bc ko.  Kaso sa susunod, wag daw ako ngumiti pa kung emergency na. Ang nangyari kasi nginitian ko pa muna yung kasama naming babae na friend ko, tas bumaling ako patalikod para hanapin ang dive instructor. Buti narinig ako. Napuri pa din naman ako sa pagkakalma ko kahit papano. Woot. Ay ngapala, NAKITA KO SI NEMO! Ang cute. Excited ako makakita ng iba pang mga isda pero mas focus muna ako sa finning ko. This week, sa linggo, exam kami tapos next week dive ulet. 

Ngapala, aattend kami sa September ng DRT Show. Sana makabili na ko mask dun tsaka balak ko din bumili fins pero depende pa, mahal fins. Pinagpipilian ko kung pink o white may rashguard ako na pink pero mas matimbang sakin ngayon ang white fins. Mask kailangan ko na talaga. Isa isa lang. Kaya baka mask muna.

Ay yung sa timbang ko, share ko lang,  Naalala ko sa pagod ko sa langoy, napatinapay with icecream ako. Hindi na mauulit. HAHAHA Sinabihan din ako na magweights na.. lumalawlaw na yung taba sa braso ko. Kailangan daw itone. Hala. Target weight 65kg for this month. From  80kg, 70kg ako ngayon. :) pag nag 60 ako, dami nagpromise ng samgyup sakin, kaya sana mameet ko yung target na yun this year. Laban! Nyahahaha

(o'. 'o) 

Friday, August 9, 2019

OK

First week of July nagkaroon kami ng lecture tungkol sa scuba diving. Natapos kami ng pool session last week. Bukas, sa dagat na kami. 2 days training, Sabado at Linggo nasa Batangas ako. Uhm.. Yes, kumuha ako ng open water diver course. Tagal ko hinintay ito. Naalala ko kasama ako ng tropa sa introdive nila, di ako lumangoy, hanggang sa nagtake sila ng course. Una ayoko pa, kasi nga magastos tsaka madami ako ganap kapag weekend nung 2017 pa ata to eh. Tapos nung gusto ko na sumama, wala tapos na sila. Di ako maisingit dahil magisa lang ako. Di ako priority, wawa. Hahaha Buti ngayon naging apat kaming interesado, may kasabay na ako kaya natuloy na.

Sana maging maayos naman buong ganap namin dun. Sa pool kalma naman ako. Nagawa ko naman mask clearing at regulator recovery. Ang lala nung anak nung dive instructor namin, sabi mas mahigpit, oo nga sa kanya kami napunta tas pinagawa nya yun sakin ng sabay. Tas sa  ilalim twice nya bigla tinanggal regulator ko. Takte nun, napakunot ako noo, muntik na mawala sa isip ko na instructor ko din yung bata na yun. Hahaha Buti kalma lang ako at di nalunod. Sa buoyancy ang medyo tagilid ako. Sana makuha ko na bukas yun. Sana ganun din ako sa dagat na mismo, kalma lang. Masama ang panahon sa mga nagdaang araw. Sana bukas maging maayos na. Actually gusto ko nga tanungin sa group chat kung hindi ba delikado yung ganitong panahon pero naisip ko, alam naman yun ng dive instructor namin, kung delikado o hindi. Hindi makakasama yung isa kasi malala ang sipon niya kaya rescheduled siya next month. Gumora na ko kasi baka sumabay ang schedule sa ganap ko next month. Baka hindi tumugma sa schedule ko, kaya heto na, sisisid na bukas. Sana maipasa ko ang course na ito. :) Salamat Papa God.

(o'. 'o) 

Nakakatuwa din pala

Nakakatuwa din pala. Nahihilig kasi ako sa pagluluto. Nagustuhan nila lahat luto ko. Ang saya lang sa pakiramdam. Lutong bahay lang naman niluluto ko, madalas ang tropa kakain sa bahay tapos ako magluluto. Madalas adobo lol. Tsaka may 2 ako suki na bumibili luto ko. Nakapag sinampalukan na manok na ko, adobo,  pininyahan (di ako mahilig sa pinya tho), waknatoy. Balak ko aralin yung mechado ng tita ko tsaka kaldereta ng tito ko. :)

(o'. 'o)

Sunday, August 4, 2019

S a l e


First time ko bumili neto. Dinadaanan ko lang siya palage at hindi ako bumibili kasi namamahalan ako, minsan nga di ko na din tinitignan kasi di naman ako bibili pero alam ko naman na maganda quality nya. Pagcheck ko kahapon, naka50% discount, waaa dami ko kilig kaya binili ko na. Natutuwa ako. Baby blue na may line na pink ang sa akin. Gusto ko pa sana yung army green na classic, pero gusto pala ng pamangkin ko kaya sa kanya nalang yung bibilhin bukas. Sama ko sa iba ko pa friends na bibili. Peach ang gusto nyang kulay. Hangkyut nya talaga!

Ngapala, maiba, update lang, kailangan ko na bumili ng belt. Alam mo na yun. HAHAHA

(o'. 'o)