Friday night nagtrip ako magluto, sakto may mga tao sa bahay kaya pinatikim ko sa kanila pesto pasta. Nagustuhan naman nila though hindi yan yung ineexpect kong lasa. Para daw naging carbonara. Creamy p e s t o pasta daw ganoin. Naka dalawa naman sila kaya natuwa naman ako. Medyo nadiscouraged kasi ako magluto pasta kasi nung NYE pa 2019 ayun palpak S p a g h e tt i A g l i o O l i o ko. Gusto ko sana magluto ng magluto kaso mukhang ayaw sakin ng pagluluto. Kaya't natuwa naman ako at nagustuhan nila yung niluto ko kahit nakalimutan ko lagyan salt yung pinakuluan kong pasta. Nadala sa keso tsaka konting asin sa sauce na inilagay ko. Hahaha
Saturday ininit ko yung konting natirang pesto. Syempre dinagdagan ko na asin. Hahaha. Naubos naman. 5 kami kumain nung friday ng gabi eh may natira pa konti, yun ang dinner ko. Tas humingi pa housemate ko, kaya ubos na!
Sunday na, mag-isa lang ako sa bahay. Nakakita ako tuyo kaya't nagtrip ako magsinangag. Kasi ang lungkot naman kung kanin lamig kakainin ko. Kaya't tuyo sinangag tas suka oh! Ang sarap. Yan brunch ko. Tapos ang dinner ko naman nakakita ako ng canned caldereta tuna, inisip ko yun tsaka yung sinangag ulet kaso ang lungkot naman nun. Nakakita ko spaghetti sauce at may cheese pa naman naman kaya yan plus yung tuna. Nagluto ako muli pasta. Nakain ko naman.
Sa totoo lang di ako pala luto, lalo pa at walang pasok, katamad gumalaw kaya! Tapos magluluto ka, tas ikaw lang din kakain, parang nalulungkutan ako sa sitwasyon na ganun. Narealized ko na okay lang din pala kumain ng luto mo habang magisa, naubos ko pa nga eh. Ang saya din pala talaga magluto no? Sa susunod muli.
Pahabol: nahulog kanina yung 200Php ko, takte sayang. Sabi ng kasama ko baka may nangangailangan nun. Nangangailangan din ako. Hay. Baka mas nangangailangan nakapulot. Sana kung sino makapulot makatulong. Aw.
Isa pang pahabol: may nagadd sakin na guy classmate ko dati nung college. Binisita kasi ako ng isang collegefriend nung thursday night tas nagpost friend ko nakatag ako. Malamang dun nya ko nakita. Ang kukulit officemates ko, ikembot ko na daw. Inadd lang eh, potassume amp. Hahaha. Single kasi yung guy. Tsaka naalala ko siya na mabait guy nung college. Sa pagkakatanda ko din straight guy siya. Kachat ko pasumandali ng Friday. Ako una nagmessage kasi naexcite ako sa pagadd nya, pero sila na nagiisip ng reply nung friday kasi di ko na sana rereplyan, nakakahiya eh. Tas di ko na talaga nireplyan ng Sabado. Wala ako masabi eh. Bukas parereplyan nila sakin to malamang. Ang tagal ko na kasi wala katext o kausap mula nung, ah basta mula nun. Hahaha
Oh, good night na.
(o'. 'o)