May nagregalo sa akin ng libro na kinapapalooban ng mga tagalog na tula. Nagulat ako sa sorpresang handog. Maraming salamat fam. Tas nung isang araw naman tumawag ang isang kaibigan at pinapapunta nya ako sa kanila dahil may regalo daw siya sa akin. Nakakataba ng puso. Walang mumunti o malaki pagdating sa regalo. Pahalaga. Sa edad ko na ito, mas pahahalagahan mo ang bawat bagay na mapapasayo. Malapit na nga ang kaarawan ko, ang kaarawan na kung saan mas maaalala tayo ng mga tao, at pagkatapos ng araw na iyon, balik sa dati. Normal na pakikitungo ng bawat isa. Kayat magalak ka sapagkat ang araw mo ay pararating na, kung saan ikaw ay espesyal sa paningin nila. Ang pumukaw ng atensyon ko ay ang libro. Sino nga ba talaga ako? Ano ang nais ko? Nais ko magsulat. Naalala ko ng kabataan ko gumagawa ako ng script. Ang tema? Pag ibig. Hopeless romatinc amp. Hahaha Iba rin ang pagkagusto ko sa poetry books. Alam ko may puso ako sa pagsusulat, ewan ko lang kung gusto nya ako. Hahaha Sa pagkakataon na ito, mangangarap ako na ang mga sinulat ko ay isang araw magiging libro.
Hindi perpekto na pagkakasulat, wala akong pormal na pagaaral patungkol rito, pero masasabi kong AKO.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment