Hindi ko alam bakit hindi ko matapos tapos ang OMC movie. Grabe! Pinanood ko siya ulet sa pangilang pagkakataon di ko padin siya natapos o sadyang di ko tinapos. Di ko namalayan naluha ako kay P o p o y dun. Sobrang sakit! Sa tuwing naaalala ko ang palabas na to sobrang nasasaktan ako para sa bidang lalaki.. at para kay T r i s h a. Isa din sa mga naluha ako ay ang katauhan ni T r i s h a. Saludo ako sa kanya. Sobrang tatag niya. Ang pakiramdam na hindi ka pa sapat. Ang pakiramdam ng magmahal ng lubos pero hindi ka pipiliin sa huli. Sobrang nasasaktan padin ako para kay Trisha. Ang pakiramdam na parang 'ikaw na!' pero hindi pa pala ikaw. Maganda ang pelikula. Sadyang di lang ako pabor sa ideya na nagkabalikan sila matapos ko makita kung gaano kasakit ang pinagdaanan ni P o p o y. Yung nagmukha kang tanga at para ka ng baliw kakaisip. Yung wasak na wasak siya. Yung panahon na gusto mo na sumuko.
Hindi mo alam kung gaano kasakit dahil hindi ikaw ang naiwan.
Bakit ko ba pinanood muli to? Kc minsan na akong naging P o p o y kaya siguro nakarelate ako. Mas naintindihan ko na ngayon. Dati ko pa namang di gusto ending pero mas tumibay lang yung kagustuhan ko na sana hindi nalang sila nagkabalikan muli.
Minsan na rin akong naging T r i s h a at ang sakit sakit na..
Kung ako si B a s h a, hindi ko iiwan c P o p o y. At dahil iniwan padin ni B a s h a, kung ako si P o p o y, hinding hindi ko iiwan si T r i s h a.
Walang sanang iwanan sa ere na naganap. Kung iiwanan rin lang, wag ng simulan.
//share lang. opinyon ko lang. Blog ko to eh.
thumbs up pa din sa galing ng mga actors.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment