Nakauwi na din sa wakas. After almost a month nakit ko muli ang La Familia ko.. Ang bumungad sakin pagdating ay ang kuya ko at nakatanggap ako ng yakap. Medyo keso siya sa parteng yun. Hahaha Hmm.. Ngayon naman, kausap ko ang tito ko , pagbukas ko ref may nakita ko 1 buong pizza, yun daw kasi dinner nila. Halala d nagkanin himala. Hahaha Naghahanap siya ng mga mga discounts sa metrodeal. Nakakatuwa kc kaharap ang ipad nya, siya mismo ang naghahanap ng mga lugar o restaurants na kung saan makakamura. At ng biglang napatitig ako sa kanya, habang nagbbrowse kasi xa, nagkwekwento din xa at bakas sa tono nya ang excitement. Bigla naman ako parang naluluha, kasi ngayon naeenjoy na ng tito ko ang mga ganitong bagay, siguro dahil dalaga at binata na ang mga anak nila kaya't wala na maxadong inaalala yung isa nalang. Sobrang proud ako sa kanya. Naalala ko kung gaano ka protective tong tito ko sa mga anak nya. At ngayon, mas naiintindihan ko na.. Deserve nya magenjoy sa mga bagay bagay. Niyayaya nya din ako sa mga plano nya. Hangkulet! Ngayon mas light na. At nakikita ko ang kasiyahan sa kanya. Para ngang gusto ko xa ihug para mas maramdaman nya na mahal ko xa at masaya ko para sa kanya kaso medyo makeso naman yun baka magulat naman xa. Gusto ko magpasalamat Uncle E. Habang inaayos mo ang salamin mo, naalala ko ang nakaraan kung paano mo ako alagaan. Hindi man lageng maganda ang samahan natin noon, alam ko na lage mo naman ako pinagtatanggol sa ibang tao, at nirespeto ang desisyon ko sa pagpili ng taong mahal ko . Ipinagpapasalamat ko lahat at yun ang nakapagpapatatag sa relasyon natin ngayon.. Di mo man aminin, Oo alam ko, ako ang paborito mong pamangkin. Salamat sa lahat Uncle E.. Sa pagaaruga, pagmamahal at pagtanggap sa akin. God bless you and your family!
(o'.'o)
Friday, May 27, 2016
Sunday, May 15, 2016
Buntisss
Hindi ako. Ang isang matalik ba kaibigan ay ikakasal ngayong June. Ibinalita rin nya na buntis siya. Nang malaman ko, naluha naman ako ng very very light. Ang saya ko! Masaya ko para sa kanila. Matapos ang ilang taon na relasyon ay napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik. Sabi ko nga sa kanya baka pag makita nya ko sa kasal nya maiyak siya. Haha. Congrats mare at pare! Godbless sa inyo. Salamat sa pagkakaibigan.
(o'.'o)
Friday, May 13, 2016
Nang biglang di ako nagsalita..
Kafatid: Heke bakit d ka nagsasalita?
H: ...
K: Nagtoothbrush ka ba? Ndi k ata nagtoothbrush.
H: ...
DK: Are you okay?
H: ...
DK: You're not yourself today..?
H: Kc po pag badvibes po ako pinipigilan ko po magsalita.. Kasi baka ano pa masabi kong pwedeng makasakit..
DK: Tama.
Understanding naman nila ever! Thankyou.
(o'.'o)
H: ...
K: Nagtoothbrush ka ba? Ndi k ata nagtoothbrush.
H: ...
DK: Are you okay?
H: ...
DK: You're not yourself today..?
H: Kc po pag badvibes po ako pinipigilan ko po magsalita.. Kasi baka ano pa masabi kong pwedeng makasakit..
DK: Tama.
Understanding naman nila ever! Thankyou.
(o'.'o)
Thursday, May 12, 2016
Naisip ko..
Baka pwede naman na talagang hindi lang talaga. Right guy pero wrong timing? Pwede ba yun? Baka nga.. Oh well.. Tiwala lang kay PapaGod sa lahat ng toh. Kaya kalma lang ang peg ko. Easyhan lang ang ganitong bagay. Hahahaha. Darating din xa. At kung cnu man xa, Hello sa'yo! :D
(o'.'o)
(o'.'o)
Thursday, May 5, 2016
Naipon na kwento
Hello! Ngayon nalang ulet kita nakausap bebeblog. Actually nung isang linggo ko pa sana balak magsulat sana ee. Kamusta ka? Hmm.. Ako kasi maayos naman. Madami ko baon para sayo. Haha. Bago natapos ang buwan ng Abril, nagboracay kami. First time ko nakapunta dun.. Ang saya! Ang dami ko din nagawa dun. Isa sa nagenjoy ako sobra ay yung parasailing. Tapos, nakapanood din ako wedding, after 12 years ng relationship nila, nagpakasal na sila. Sabog luha ko dun. Haha. Ganun pa man, nasurvive ko naman ang buong gabi ng hindi naglalaslas. Char! Haha Napalitan din naman ng saya ang puso ko kc thankful na nakasama ko sa boracay trip at naenjoy ko ang mga bagaybagay. Simple lang naman ako, kaya masaya nq ng makakain ng chori burger at jonah's mango shake. Nakapagsuot din pala ako ng dress dun. Babae. Yikes!
Sumunod, nanalo ang LS Lady Spikers at alam mo kung gaano ako kasaya. Oo ikaw na nga. Hahahaha. Alam ko alam mo na ako ang isa pinakamasaya sa pagkapanalo nila. Mangiyak ngiyak ako ng malaman ko na champion sila. Di ako nakapanood live o sa tv dahil nagfamily swimming. Hangsaya lang!
Magkakapamangkin akong muli. Hahaha Ano kaya magiging name ng nxt pamkin ko? Umaasa ako na magkakababy din ako. Gusto na ng nga kamaganak ko ee. Gusto ko nadin ba? Sinong aayaw? Paano? pagdating cguro ng lalaki na para sakin. Hindi naman ako naghahanap ee. Bahala na si PapaGod dun. Haha. Pero dq padin kc pinagdadasal. Hindi pa din cguro ko handa? Haaay.. Ewan.
Last weekend, sinabihan ako ng college bestfriend ko ikakasal na xa. Sobrang saya ko para sa kanya. Mahal na mahal nya bf nya. Masaya ako na matapang sila para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Alam ko madami din sila pinagdaanan kaya sulit ang paghihintay nila sa tamang panahon. Magleleave ako next month para umattend ng kasal nila.
Uhm.. Kakabday lang ni cuzinfriend jentot.. Namimiss ko na xa. Sobrang dq alam kung ganito rin ba buhay ko kung buhay pa xa. Ganun pa man, pagtanggap lang at naniniwala naman ako na may rason ang lahat ng ito. Iniisip ko padin na mapalad padin ako. Kaya nagpapasalamat ako sa mga pagpapapala na tinatanggap ko mula sa Kanya.
Kung sasabihin mong puro hugot padin mga posts ko, pagbigyan mo na. Di kasi talaga madali ee. Di ko lang maisip na sa ganitong edad ko.. Blah blah blah.. na nagawa nyang... Blah blah blah.. Ginagawa ko naman lahat para di na maisip.. Pero may mga oras talaga na biglang pumapasok sa alaala ko lahat at san ka pa, lumipas na isang taon may luha padin na pumapatak sa mga mata ko. Patuloy padin naman ako nagdadasal na bigyan ako ng lakas ni PapaGod para makapagisip ng maayos, bigyan ng lakas para harapin ang lahat ng sakit, wag mamuo ang galit sa puso ko at patuloy na magtiwala lamang sa Kanya.
Still no bf. Walang suitor. Walang constant na katext. Walang palageng kachat.
Walang kafling o kafb (not my thing tho), ah wala wala wala.
Napanuod ko na din pala yung CvlWr tas kanina pinanood namin JstD3ofUS.
Uhm... Malapit na din pala ko magbirthday.
(o'.'o)
Subscribe to:
Posts (Atom)