Tuesday, June 30, 2015

Baptism.

4 days from now.. and I will be born again.
It's not about religion.. It's about faith in God.
I'm a sinner. I'm not good enough in your eyes.
Let me be your servant Hashem.
I must admit.. All I need is YOU..
This is the biggest decision I've ever made.
The truth is.. I'm excited! :)



(o'.'o)

Sunday, June 28, 2015

Nobody said it was easy..

Namiss mo ba ko bebeblog? Hahahaha.. Direstahan.. alam mo ba araw araw na napapaluha ako.. Hindi pala madali noh.. Yung bigla bigla ka makakaramdam ng kirot sa puso mo.. pero sa twing mangyayari yun pinipili ko magpatawad.. At hindi pala ganun kadali magpatawad. Ang sakit padin pala.. Normal lang naman cguro to kasi tao lang naman ako. Ganun pa man sinasabi ko na sayo na ang nararamdaman ko ngayon ay hindi simpleng pakiramdam..

Tas parang wala na ko interest sa mga lalaki.. Parang mas gusto ko nalang ako maging lalaki sa relasyon kasi parang nawalan na sila sakin ng dating. O hindi ko lang talaga makita pa sarili ko kapiling ng iba.. Ang pipiliin ko lang noong kami pa ay xa.. At hanggang ngaun siya padin naman mahal ko ee. Hindi ako perpekto alam ko yan pero alam ko na pag mahal ko yun ang pipiliin, ipaglalaban ko at hindi ko kailanman isusuko. At ganun ako ka faithful.. ni hindi ko kaya humalik o magsabi ng mahal kita sa hindi ko naman talaga mahal.. at sabi ko nga sa edad kong ito hindi na ko para makipaglaro pa sa usaping relasyon. At dahil sa ginawa sa akin minsan nawawalan na ko tiwala pati sa sarili ko at alam mo ba kung gaano kasakit.. pagmukhain tanga ng mga tao sa paligid mo?.. na umakto na parang wala silang alam at pagmukhain tanga ng taong mahal mo?.. at saktan ka ng mga taong pinagkakatiwalaan mo..

Hindi ko kailangan ng bagong relasyon..
Mas palalalimin ko muna yung relasyon ko kay God..

Pero may natutunan naman akoa sa nangyari sakin na ito..
Put your trust in God, not man. #LessonLearned

Kung bibigyan man ako ng Panginoon ng makakarelasyon at mapapangasawa, kung siya parin yun o iba.. Sigurado ako na sa panahon na yun ito ay ayon sa kalooban NIYA..

#stillBlessed #FoundGod #BeStill

Tuesday, June 9, 2015

8s the START

Hi! The last time na kinwentuhan kita bebeblog I was crying. Ngayon ndi nq umiiyak. Gusto ko ishare sau na yesterday nagstart nq magwork out. I need to be fit kasi gusto ko pa mabuhay ng mahaba.. I'm truly blessed kasi wala ako sakit at kumpleto ako. May mga taong mas malaki pa problema sakin. Madaming bagay na dapat ipagpapasalamat. Kaya di para magmukmok kundi gumalaw at kumilos. I wanna live longer coz' I wanna serve the Lord more..

Last night nagstart nq. Wew! Hirap! Mabagal pero kaya. D ko kaya push up. Hahaha 30mins exercise pero pakiramdam ko x2. Ang sarap sa pakiramdam. Hanggang kailan naman to? Dahil mahina ako pagdating sa control sa pagkain, di na ko mangangako.. Pero lage ko iisipin na 'AllforHIM' .. Weeeee...

1. No Rice
2. No Softdrinks
3. Less Sweets
4. No Pork

Ang tawag jan Goodluck! Hahaha..
Aja Heke Girl! :D

Kaya ikaw buddyG if you're reading this be my diet buddy ok?  Pakisita ko pag napapadami kain ko. Yikes! Sabi nga ni madam, "There's always HOPE in God" kaya tiwala lang!  :)

Oooppss If you'll gonna tell me its for mio.. Nah! It's for ME.
I love him.. and will always love him. Kasi ang pagmamahal ko sa kanya ay di lang basta pagmamahal ng isang gf sa bf kundi ang pagmamahal ng isang kapamilya. #Family

Pinapaubaya ko na lahat kay God. :)

#GV #Positivity #Forgiveness #MovingForward

(o'.'o)

Sunday, June 7, 2015

May katapusan ang sakit

Araw ng Friday at Saturday..

Friday:
May nagsabi sakin, "Wag kang lumayo. Do not isolate yourself." Uhm.. Aja! #KapitLangHeke #ShabbatShalom

Saturday:
Sabi ko kanina.. Hindi ako aattend.
Plano? Maghibernate o kaya maglakbay mode.. Nang bigla ako makareceive ng txt msg..
K: Shhhhaaaabbbbaaaatttt!
H: Hmmm...? (At ako'y umattend)
Lesson: Menorah. #HekeTheStudent #Torah101 Date with God.. Done.
#ClosingShabbat #Faith #Shavuatov

Sunday:
Nakausap ko yung spiritual mentor ko.. Nagkataon naman kasi nagpapapirma ko documents tas tinanong niya ko kung may natututunan ako sa shabbat sabi ko, 'Opo." tas nakwento ko na yung tungkol sa gusto kong mapagisa yung frisat na nagbalak ako wag umattend ng shabbat. Tas sabi niya, 'Ano ba dahilan niyan hija? Yung boyfriend mo ba hindi kayo nagkikita?" tas wala lang ako imik. Tas ang dami na niya sinabi, nashare at tinuro sa akin at ako'y nakinig. Ang dami ko natutunan.. Matapos nun ako ay kanyang pinagdasal.. #SalamatPo

*Ang Relasyon hindi One-Way. Kundi Two-way.
*Pag mahal mo dapat mahal ka din.
*Pag mahal ka dapat mahal mo din.
*Give and Take
*Hindi pwedeng anjan lang dahil may pakinabang sau at kapag wala na hindi ka na mahal
*Hindi pwedeng pag may pakinabang ka dun mo lang xa mahal
*Dapat magkasama kayo maggrow.
*Dapat pareho kayong may Diyos.
*Dapat iisa kayo ng Diyos.
*Ang pagmamahal ng taong may Diyos hindi nakakasakit.
.... at hindi ka hahayaan na nasasaktan.

*Ipagdasal mo siya at parehas kau lumapit sa Diyos. Akagin mo xa.. at kung ayaw pa din niya, at siya napili mo mapangasawa, kawawa ka..

*Hex lagi mo hahanapin yung sa eternal.. ndi yun sa pansamantalang kaligayahan.

(Two people together as ONE)

#KapitLangHekeGirl #MakeAGoodChoice

Thursday, June 4, 2015

Wag kang bibitiw.

Kahapon nagpunta ko ng fairview para magpaalam sa side ni miorap. Hmmm... Di para maghabol kundi magpaalam. Naging maayos naman.. kasabay ko si Papa kumain tsaka may mga kwento xa ng nakaraan. Nakakatuwa kc with actions pa. Nakahug ko din xa bago ko umuwi.. sila ni mama.. One of the sweetest hugs.. Pero.. Parang di nauubos yung luha ko.. sa lahat lahat ng mga nalaman ko mula ng nagkahiwalay kami. Tagos! Durog na durog nq. Gusto ko sumigaw.. magwala.. baka sakaling mabawasan ang sakit pero paano?! Kanina habang naglalakad ako sabi ko sa sarili ko.. "pinapatawad ko na siya.. pinapatawad ko na xa.." pero takte! nakakabaliw! Hangsakit padin at sobrang sakit.. Bakit mo hinayaan ang lahat ng ito? Ano bang nagawa kong atraso sayo para saktan mo ako ng ganito.. mula umaga hanggang gabi umiiyak ako.. nilakad ko na pauwi pero wala padin.. Di nababawasan ang sakit.. Grabe ko xa kamahal.. at sobrang nasasaktan ako dahil di niya ko pinaglaban.. Ako kc alam ko pinanghawakan ko  ee di ako bumitaw.. na akala ko lahat kakayanin natin ng magkasama.. ng hawak kamay.. na walang iwanan.. Anyare?! Bakit ikaw pa? Sa lahat ng pwede manakit sakin bakit ikaw pa? Paano mo naatim na iparanas sakin ang ganitong klase ng sakit? Nagusap tayo ee mula simula pa.. alam mo kung ano yung mga bagay na makakasakit sakin.. pero bakit mo ginawa?.. na yung mga yun wala kong kaalam alam dahil sa sobra kong tiwala.. pinagmukha mo kong tanga.. at ang damot damot mo.. dahil sa lahat ng ito, bakit di mo ko iniwan noon pa? Bakit mo pa pinatagal kung bibitaw ka rin pala? bakit di mo pinaglaban ang miolove? at bakit ako pa ang napili mong saktan ng ganito?.. at bakit sa lahat ng sakit na to pinoprotektahan padin kita. at wala ko masabihan ng lahat ng to pero ubos nq mio. ubos na ubos nq..

PapaGod.. pakiusap bigyan nyo po ko ng lakas para malabanan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.. kasi parang di ko na kakayanin.. :/ para gusto ko na sumuko..

pero.. Wag kang bibitiw sa kanya.. . Wag!

Hawakan nyo po kamay ko Panginoon..
Di ako bibitaw sau .. ayoko.. ayoko.
Hahawakan kita ng mahigpit..
at hawakan mo rin ako..
Sa'yo lang ako.

(o'.'o)