Thursday, January 4, 2018

Wag kang magugulat.

Nasa labas ako, nagdidinner, biglang nakareceived ako message na maghanap na muna malilipatan. Like, uhm.. What?! Ang maghanap ng bagong matitirhan. Start ng taon, may ganito agad. For renovation kasi kung saan ako nagsstay ngayon. Nabigla naman ako. Sanay na ko dito, yung paguwi ko, direcho kwarto. Tsaka may sarili kasi ko mundo pagkauwi ng bahay. Kaya okay sakin to, yung ako lang. Ang sarap na ng tulog ko sa bahay na to.. Ilan taon na ako dito, kaso kailangan ng umalis.. At agad agad.. Mukhang exciting ang taon na ito sa akin ha. First day of work ko 2 days ago, ayun denied ako twice sa mga transactions ko. Ganun pa man, aja lang! Susuka pero di susuko. Mahaba haba pa ang taon, kakasimula pa nga lang. Wew! Dapat kona ba to ikalungkot? Sa paglipat, uhm.. Oo mga 30secs.. Lol! After nun, laban ulet! Maghahanap ng malilipatan sa weekend. Mamimiss ko to! Waaaaa!

Ngapala, share ko rin pala, nung unang araw ng taon, may bago ko nakilala. Nagulat ako kinausap nya ko at tumabi siya sakin. Hanggang sa nagkwentuhan na kami, dami namin napagusapan hanggang makarating ako sa destinasyon ko at naging friends na sa FB tas nagpicture kami together. Nakakaloka! First time nangyari sakin to. Lalo na sa bagong kakilala. Nagulat ako ng tumabi siya, kasi kakaupo ko lang tas nakalagay pa bag ko sa upuan, tas sabi nya kung pwede umupo, tinignan ko pa paligid tas nakita ko madami pa bakante. Sabi ko pa, "Ha?" tas "Ah, Oo." nagtaka pa ko kasi madalas uupo muna mga pasahero sa bakante na walang katabi. Tumabi daw siya sakin kasi mukha daw ako estudyante, akala nya daw student din at wala raw siya naramdam na masama sa akin.. Natawa ko sa sinabi nya. Halalalala siya. Sobrang gulat at kulet nya ng malaman age ko, sana daw ganito din daw siya kacool kapag nasa age ko na siya. Hagkulet! Usually daw di daw siya madaldal, di siya una nagiinitiate ng usap, kaya ewan daw nya ngayon. Lol! Oh well, Good luck sa Law School, girl! Nice meeting you. Bagong taon, bagong kaibigan? Why not! :)

Oh dba?  Unang apat na araw pa lang ng taon, dami ko ng ganap. Ano pa kaya ang sa susunod? 

Nagtitiwala ako sa KANYA, di para mangamba. Thank you Lord, in advance!

(o'. 'o)



No comments: