Sunday, January 28, 2018

Payong

Hola! Gising na ako. 5am na ko nakatulog kanina, epekto ng iced mocha na ininom ko last night habang nanoood ng anime movie at ngayon, lunch time na. Gutom na ako!!! Nanood ako videos sa yt and guess what again? Inisip ko gumawa ng vlog. Well, inisip lang. Unang tanong: Hindi ba ko mahihiya? Madaldal naman ako, pero pagdating lang sa'yo bebeblog. Kakayanin ko ba humarap sa mga taong lahat may access na mapanood ako? Kaya ko ba magsalita with matching mukha? Lol! Pangalawang tanong: Sipapagin ba ko gumawa? Paano ba gumawa? Ano ganap? Anong ba ang gusto ko ishare sa tao bakit naisipan ko gumawa ng v l o g. Tagal ko nadin na b l o g g e r. Siguro dapat maglevel up na, ganon? Pero handa ba ako na ang katahimikan ko ay baka isang araw maging maingay. Handa na ba ko magpapasok ng ibang tao sa mundo ko na ito, na ultimo yung malalapit sakin hindi ko pinatuloy. Grabe ko kalihim. Ehe.

At kung magiisip ka bakit ang layo ng title sa post ko. Eto na nga.. Ang lakas ng ulan, gutom na ko at di ako makalabas dahil wala akong payong. Nyahaha. Naalala ko once ko lang naenjoy ang payong, nung Grade 3 ata ako na ang syala ng payong ko na red. May papito pa nga. Lol! Pagtapos nun, nawala ang interest ko sa payong. Hindi ko maalala kung ano ang dahilan. Yun lang ang naalala ko na natuwa ako sa pagbitbit ng payong eh. Hanggang sa nag HS at college na, dahil may rainy season tayo asahan mo lahat may payong. Pero ako never bumili ng quality na payong kahit pa alam kong magagamit ko siya. Mas gugustuhin ko pa maglakad habang umuulan kaysa gumamit ng payong.. Gumagamit naman ako ng payong pero hindi kalidad at madalas yung mga malalaking hiram lang. Imagine, magkano ang nagastos ko sa buong buhay ko sa pagbili ng payong na halagang 50.. at 150 (dahil may design) lang? Magkano?! pero a d u l t i n g tayo, hindi palageng dapat magpakabasa. Dapat alagaan ang sarili. Hindi din presentable kung papasok ng trabaho na basa dba. Tae, yung ngayon ko lang narealized kahalagahan ng payong o alam ko naman na may halaga siya, hindi ko lang binigyan importansya. At.. hindi kailanman magiging raincoat ang jacket lang. Lol.

Alam ko iniisip mo, sa dami ng binili kong walang katuturan para sa'yo, payong "lang" hindi ako makabili?! Sa sahod, bibili na po ako at sa pagkakataon na to, tipid tip: dun tayo sa quality para magtagal. Oha. Happy ka? HAHAHA. :)

Oh ayan huminto na ang ulan. Pansamantala? Lalabas ako at kakain na.

Happy Sunday Everyone.

(o'.'o)

No comments: