Seek first to understand, then to be understood.
I just moved in a week ago, pero ganito na. Confused ako sa mga nagaganap. My roomie was okay naman, not until yesterday. First time to nangyari sakin dahil syempre sanay ako magisa lang sa room. Or kung may mga naging roomies ako na strangers at first eh okay naman ang kinalabasan hanggang sa maglayo kami ng landas. But this one is different. Or vice versa ako ang kakaiba sa paningin nya?
Kahapon pa siya eh.. Ewan ko kung ano sa napagkwentuhan namin gabi ng friday at bigla siya nagbago. Madaldal siya, tas bigla tumahimik. Yung mga text ko nga maigsi lang, siya yung mahaba eh. Tas nagiba bigla. Bigla naging sarcastic, inintindi ko kasi syempre differences. Baka normal sa kanila ganun magsalita, at samin hindi. Pero dahil di ko matiis yung galaw at salitaan nya kasi syempre ang hirap ng magkasama kami sa room tapos ganito, tinanong ko siya kahapon, wala daw. Kailangan ko pa siya tanuningin kung okay lang ba siya ng 2 beses bago niya ko marinig at sabihin na may kausap daw kasi siya. Kinakausap ko, ang tagal bago sumagot. Sabay pa kami naglunch Sat nooon na at base sa oras nya na 12:30 dahil hinintay ko siya kahit pa gutom na ko dahil nung fri night ko pa siya hinihintay kumain pero di siya kumain. Binigyan nya lang ako nung orange nya, dahil hiningi ko at gutom na ko inoffer pa nya isa pero tinanggihan ko na at may biscuit naman ako. Di na kasi kami lumabas kasi. Ikinapayat ko na to. Hahaha. Nahiya naman ako lumabas magisa dahil nasabi ko na dati na sabay ako kumain kapag andito siya.
Tas yun na nga. Alam kong may something na kakaiba. Minsg ko siya last night na late ako makakauwi, no reply. Minsg ko ulet na pakiwag ilock ang screen door, no reply. Umuwi ako late na, before 12mn, okay nakalocked ang screen door. Tinawagan ko siya, di sinasagot. Inisip ko nalang na baka nga naman nilock nung nasa kabilang room at siya naman ay tulog na. Nakitulog tuloy ako bigla. Waaaa..
Today Sunday, umuwi ako 9am na. Naabutan ko siya sa dining area kumakain. Naka3 o 4 na hi ako, deadma. Okay, habaan ang pasensya. Yung pakiramdam na ginanun ako? Medyo laughtrip pero Ang lala! Di nakakatuwa. Inaya ko pa siya sa dala kong food. Hanggang sa kumaway na ko dahil parang wala siyang nakikita, deadma. Kinausap ko siyang muli, kung may problema ba, wala. Sabi ko pa kung may nasabi o nagawa ako na hindi nya nagustuhan, pasensya na. Tas nabanggit ko na nakitulog ako dahil nalockan na ako, nakasilent daw fon nya. Tas ang ayos padin ng pakitungo ko habang ang cold ng treatment nya. Sabi ko pa kung may problema siya sabihin nya para mapagusapan. Tas sabi ko, bati mo naman ako? Biglang natahimik siya. Sa puros wala hindi nya na sagot, sa tanong na to bigla natahimik siya. Biglang sabi nya, "wag mo lang ako pakielaman." sabi ko, "ha? Sa lahat? Uhm okay." sabay ngiti, tayo ako at naligo na ko.
Yung sa lahat na ibig ko sabihin ay ano deadma for life na ba? Muntanga lang. Hahaha natatawa ako lakas maka.. Parang bata! Pero valid naman dba kasi yun siya. at naisip ko magkaiba kami. Magkakaiba tayong lahat. Pero di ko para iplease ang tao na ayaw sakin. Nanghingi na ko pasensya, at minsan lang ako magsabi nun kaya minemean ko yun at ayos na ko dun. :)
After ko maligo, direcho room na ko. Tinanong nya ko if "Aalis ka?" sabi ko hindi, nagmedyas lang malamig tas di na ko muli nagsalita pa. Ngayon, habang sinusulat ko ito, lunch time na, kinuha nya food nya, di ako niyaya. Ano pa ba asahan ko dba? Hahaha. Okay na din siguro to, atleast alam ko bakit bigla naging ganito. May idea ako, bakit humantong sa ganito.. Kaysa biglaan na wala ako kaalam alam.
Walang pakielamanan? Kk. Mabilis naman ako kausap, ibigay ang gusto. Pinipilit ko magpakabuti, tsaka mahaba naman pasensya ko, wag lang ako punuin. Wag umattitude sa harap ko please, wala ako oras sa mga ganyan.. pero hindi ko para ituring siya na kaaway, pag kinailangan nya ako, andito lang ako, kausapin nya lang ako. :)
Nasan ang pake ko? Meron pa din. pero tago na nga lang dahil ayaw mo sakin, kaya't keriboom lang.
Natatakot friends ko, pinapalipat na ako, 1 week pa lang ako dito ha. Hahaha. Tignan muna natin ganap, sayang naman yung rent tsaka baka kailangan lang nya ng unawa or mas gusto nya lang mapagisa. Kaya't naiintindihan ko.
Wag sana dumating ang araw na mawalan ako ng pake sa'yo. :)
BV to GV na ulet. Smile lang.
Have a Blessed Sunday Everyone.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment