I'm not the same soul I once was
Wednesday, November 18, 2026
g a n a p c h i i i
Friday, July 31, 2026
Anune?
Nagluto ako s i n a n t o l a n kanina. 1st time ko lutuin yun. Waaaaa! Nagluto din ako last week ng C a j u n P a s t a .. Yum! Excited ako sa MMM con next week! Nakakatuwa din na may mga paganito ano.. mag-enjoy rin sa buhay pa minsan minsan. WLB talaga dapat. :) Salamat din pala sa l i g h t s t i c k na regalo sa akin .. Salamat naman sa’yo, Ginoo.
Natapos ko na ang TYAL, A g e n t K i m R e a c t i v a t e d.. pati na din yung W o n d e r f o o l s.. WAATH na kung saan ilang beses ako umiyak. Nagustuhan ko naman lahat sila. Naghahanap ako ng pwede ko next panoorin..
Sa buhay naman, m u n i m u n i m o d e ..
pero nakakapagod din pala kaya hihinga na lang muna.
(o’.’o)
Wednesday, July 1, 2026
G a n a p c h i i i
Ngayon na lang ulet nakabisita bebeblog. Alam mo bago mag M a y o katapusan nmty ang isa sa mga mahal ko.. si U n c l e E.. 1 buwan na din pala ngunit miss na namin siya.. Sobrang biglaan.. Ganun pala talaga ano? Hindi natin alam ang buhay.. isang araw maaari na lang tayo mawala kapag kinuha na tayo ni G o d. Sobrang lungkot ko... sabi ng mga tao pag ganyan dba at least kasama na siya ni Lord... pero may parte sakin na hindi.. hindi dapat ganun yun. Ganun na lang ba yun :( Ang sakit ng pangyayari na ito.. ganun pa man, nagpapakatatag ako. Salamat sa pagiging mabuti mo sa akin.. sa amin ng asawa ko. Palagi kang walang panghuhusga.. sa kung sino man ang mahal ko ay nakasuporta ka.. i miss you.. Salamat sa lahat.
At heto ako ngayon may sakit pa din.. 3 days ng hindi maayos pakiramdam ko.. Grabe din! Napakasakitin ko talaga.. Last May, 1 linggo ata ako hindi nakapasok dahil sa sakit tapos heto na naman siya.. Kailangan ko ng pahinga magbabawi ng lakas.. G o o d n i g h t.
(o'.'o)
Saturday, April 11, 2026
S for ? Y u m y u m
Saturday, April 4, 2026
U s & T h m
Pinanood ko ang U s and T h e m sa N e t f l i x. Kasi palagi ko siya nakikita lumalabas sa fyp ko. May korean adaptation din siya yung O n c e W e W e r e U s kaso hindi ko lang alam saan ko panunoorin yun. Ganun pa man eh nagustuhan ko naman yung movie na pinanuod ko.. Maganda ba yung movie? Oo.. Masakit siya na movie? Oo.. tsaka makatotohanan. Grabe yung scene sa tren.. ang lungkot nun. Tsaka yung linya na "We have everything in the end, just not each other". Alam ko na ngayon bakit umiiyak yung mga nakapanood ng movie na ito.
Tsaka napanuod ko pala sa sinehan yung T h e L o v e d O n e nung february. Maganda yung pelikula.. masakit din pero maganda.
Kung tatanungin mo kung ok lang ba ako? Oo. Maayos naman at okay ako. Sadyang eto lang yung theme ng mga palabas.
Ay skl, sobrang excited ko at padating ang M a m a m o o!!! Yung kilig ko naguumapaw. Gusto kong mapanuod na sila this time. Hihihi
(o'.'o)
Tuesday, February 24, 2026
P e b r e r o
Ngayon lang nakapagupdate muli. Here are some photos I treasure for this month. ❤️
Thursday, November 13, 2025
Sa t o t o o lang
Sa totoo lang.. malungkot ako ngayon.
Sa iba't ibang rason.. sa madaming kadahalinan.
Naiinis ako sa sarili ko. Sa buhay ko. Ganun pa man hindi ko magawang mainis ng todo.. dahil grateful pa din naman ako. Sadyang may mga bagay na hindi mapigilan ng isipan..
Sa dami ng kaguluhan na tumatakbo sa isip ko eh hindi ko na talaga alam kung alin dun nagpapalungkot sa akin o baka nga kahit wala naman yun malungkot pa din pakiramdam ko ngayon.
Ang dami gumugulo sa isipan ko. Sa mga bagay na hindi ko magawa at sa mga bagay na hindi pa rin itinadhana.
Nanonood lang ako kanina, tumutulo na luha ko.
Napakaiyakin ko naman pala. Hahahaha
Hamunanga. Magiging OK rin ang lahat.
Hinga at d a s a l. Good night. C i a o.
(o'.'o)
Thursday, September 11, 2025
P a g h i l o m
Mahalaga ang k a l u s u g a n kaya wag natin ito p a b a y a a n. Nakakatakot magkasakit ano? Kung anu-ano papasok sa isipan kapag may karamdaman ka. Ganun pa man, kailangam ko magpakatatag. Tanggalin ang takot at ipaabot sa Kanya ang lahat ng alalahanin. Magiging maayos rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko magpahinga at maghilom.
Maraming Salamat sa aking asawa sa matyagang pagbabantay sa akin. Sobrang mahalaga ang bawat hawak mo sa aking mga kamay, sa pag-alalay, sa serbisyo mo, sa pagpupuyat, sa bawat hikbki ko na hinahayaan mong ilabas ko at ang ating pagdarasal ng sabay. Tunay kang mabuti sa akin at uulit ulitin ko na mas salamat sa'yo God.
Lord, itinataas ko po sa inyo ang aking buhay. Kung anuman po ang maging resulta nun ay aking tatanggapin. Ang dasal ko po talaga ay sana normal result ngunit ikaw ang mas nakakaalam kaya't kayo na po ang bahala sa akin. Premature baby ako.. ang umabot sa ganitong edad ay mirakulo na para sa akin. Kaya't sino ako upang magreklamo. Eh lahat naman ito ay galing sa'yo. Kaya't kakalma lang ako at patuloy na magdarasal sa ganap na ito. Late ko man ito napagtanto, ngunit alam nyo po na sobrang grateful ako ngayon sa buhay na mayroon ako. Patuloy na magpupuri po sa inyo. Huwag nyo po ako pababayan gaya ng paggabay sa akin upang maging matiwasay ang procedure na iyon. Again, Salamat po~
(o'.'o)
Friday, May 9, 2025
Sunday, April 6, 2025
Monday, February 17, 2025
H a p p y P u s o
Tuesday, February 11, 2025
P a r a sa Noon
Thursday, December 19, 2024
A m b i l i s
Saturday, December 7, 2024
K y o t !!!
Friday, November 29, 2024
H L A
Thursday, September 26, 2024
G r a s y a
Sunday, September 8, 2024
Sana isang araw..
Tuesday, July 2, 2024
p a n g a m b a
Daming kaganapan kaya ngayon na lang ulet nakabisita bebeblog. Alam mo kanina may nabalitaan ako na hindi maganda ngayong araw.. unang reaksyon ko ay nagulat ako.. nalulungkot na ako eh.. natatakot sa pagbabago. Sandaling naiba mood ko dahil doon. Ngunit nabago rin agad kasi natapos ang pangamba. Kaya mas minabuti ko na lang isulat ang aking nararamdaman. Natapos ang aking pag-aalala at pangamba siguro dahil alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos na meron ako. Magtitiwala ako kahit hindi ko maintidihan. Ayoko na magworry sa bagay na hindi ko kontrolado. One day at a time.
Usapang walang control.. araw ng bday ko, libing ng isang kaibigan. Dami kong iyak.. sobrang nalungkot ako sa kaganapan ang bilis ng pangyayari.. mahal namin siya. mahal ka namin. Ganun na lang ba ang buhay? Sobrang bigat sa pakiramdam. Patuloy na ipagdarasal at mananatili ka sa puso namin. Matapos ang pagpunta sa lamay nung gabi bago ng aking kaarawan eh biglaang pagbook ng kwarto sa isang hostel sa makati. Mag-isa lang ako natulog sa kwarto. Sa kabilang room yung pamilya ng isa pang kaibigan ko. Napilitan kami magbook at late na rin kasi. Kinabukasan na sumulpot yung asawa ko. Kumain lang kami ng lunch at pag-uwi namin eh natulog lang ulet ako. Daming pagod ng katawan ko. Pagod na ako.. pero alam mo, hindi ako susuko sa buhay.
Oh ambigat na, maiba.. ang pinapanood ko ngayon ay ang N e t f l i x k-drama na M i s s N i g h t and D a y. Nadagdagdan na naman edad ko at ako ay nagpapasalamat sa mga taong nananatili. Labyuol!hihihi Maraming salamat sa asawa ko at palagi ko ipagpapasalamat ang pagdating mo sa buhay ko. Mahal kita soooooo muuuuuchhhh.
(o’.’o)
























