Hindi ako magkakamali. Someone sent me a request in one of my social media accounts. Una kong reaction.. WTH?! Srsly?! Immediately followed by.. Oh well. Mantra: Labblabb. Nawala din naman agad request niya. Siguro nabigla din xa na napindot nya. At lalong nabigla din ako. But hey, if you have questions, message mo nalang kaya ako. Kung kakamustahin mo ko o aawayin mo ko (sa hindi ko alam na dahilan) o mambwibwisit ka lang, message mo nalang kaya ako. Kung mambabash ka, hindi ako artista nagsasayang ka ng oras mo. At kung gusto mo ng gulo, baka tulugan kita. Hindi naman ako pinalaki para maging basagulera o walang modo. At ayokong tumanda ng galit sa mundo. Tsaka.. Medyo matagal nadin. Napatawad ko na kayo. But at least don't come near me. Wag ka magtangka dahil hindi kita kaibigan. Hayaan nyo na ko, respeto nalang. Hindi ako takot sa'yo. Kaya wag mo ko isipang pagmalakihan. At hayaan nyo ang pananahimik ko. Pipiliin ko manahimik at hayaan nalang kayo. Hayaan ka sa galawan mo. Na sa'yo na dba? Hindi ka pa ba masaya? Natatakot ka ba baka agawan ka? Guilty much? Matagal na ko single.. may kailangan ka pa? Pero alam mo, sa totoo, medyo nalungkot din ako para sa'yo. Dba dapat masaya ka lang at busy inaatupag ang pamilya mo. Kumpleto kayo dba. Ako eto.. single sa edad na to. Nagiisa. Walang matatawag na sariling pamilya. Tinanggap ko na. Wag mo ko masyado kaawaan. Kasi heto ka, nagawa mo ko hagilapin. Samantalang ako nanatiling tahimik sa lahat ng ito. Anong pakay mo? Inaano kita?.. So eto nalang.. Wag na ako, iba nalang.. kasi pagod na ko. Mahirap magpakabuti sa mundong to. At ayokong mawala sa sarili at magpadala sa mundong ginagalawan ko. Salamat kasi dahil sa sakit na dinulot mo, nyo.. mas naging matatag ako. Natutunan kong magpahalaga sa mga simpleng bagay. Mas minahal ko sarili ko. Mas naging totoo ako sa sarili ko. Maging masaya sa kung ano ang meron ako. Mas naging makabuluhan ang buhay ko.
Matatanda na tayo. Tapos na ko sa pabebe petty quarrels. Kaya magsama nalang kayo. Alagaan nyo
nalang isa't isa. Sa pagsulpot mo ng ilang segundo, mas tumatag ako.
At pwede ba.. Tumigil. Hindi ako ang kaaway mo, kundi ang sarili mong multo.
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment