Hi! Medyo matagal tagal nadin huling post ko? Medyo tamad kc ko magupdate using fon kasi di makapaglagay photos. Lagay ko nalang pag desktop computer gamit ko. Magshashare lang ako. Katatapos lang ng xmasparty namin. Masaya naman. 1st place ang team namin sa contest. Mukha namannagenjoy lahat.. at sa araw na yan naging babae ako.. Lakas makababae ng damit ko.. at ng hitsura ko.. Alam mo ba, dumating ako dati sa punto na bumaba tiwala ko sa sarili ko pagdating sa panlabas na kaanyuan. Wala naman ako pakielam sa sasabihin ng iba ee... Dun ako natatamaan sa sinasabi ng mga taong malapit sakin. Medyo natamaan pero wala padin ako pakielam. Haha. Eto natutunan ko at eto sasabihin ko sa'yo kahit ano pa sabihin na hindi maganda sa'yo ng ibang tao at pati narin malalapit sa'yo, wag ka magpapadala.. at lalong wag kang magpapaapekto para ikalugmok mo.. Pag sinabihan ka ng hindi maganda, o may sinabing hindi maganda tungkol sa'yo, ngitian mo.. tignan mo kung totoo.. At.. UNA, kung totoo, baguhin mo.. kung para sa ikabubuti mo naman dba.. dapat mayroon din tayong pagtanggap.. Hindi mo yun gagawin para sa kanila kundi para sa sarili mo.. PANGALAWA, kung hindi totoo.. ngitian mo ulet.. sabay alis. Hahaha. Mas kilala mo sarili mo kaysa sa ibang tao.. kaya't wag magsayang ng oras para makipagtalo o makipagusap sa mga taong walang ibang pakay kundi hilahin ka pababa.. at ipamukha lang sa'yo na hindi ka maganda. Tandaan, ang mga taong talagang may malasakit sa'yo hindi ka ipapahiya sa ibang tao.. Sila yung pagtapos nila punahin ang mali sa'yo ay tutulungan ka upang baguhin o itama ito. Hindi yung ipapamukha lang sa'yo ang mali sa'yo.. pero mas lamang padin ang panloob na kaanyuan.. Maniwala ka sakin.. Mas maganda ka pa maliban sa panlabas na kaanyuan na nakikita ng iba.. sa pagtagal ng panahon kukupas ang panlabas at mananatili ang kung anonang mga tinanim mo sa puso mo..
*antok na ko kung ano ano na ata nasulat ko..edit ko nalang next time. Lololol!
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment