Saturday, February 4, 2017

FallOutOfLove

Yan yung sinabi ng isang kaibigan sakin. Naappreciate ko ang pangangamusta. Matagal na daw nila ko gusto puntahan ng isa pang kaibigan kaso d nila magawa kc iniisip nila magiging negative reaksyon ko. Pag minemsg daw kc niya ko ng mga panahon na yun ay seenzoneeeeeddd. Hahahaha. Pasensya. Yun kc sabi ko yung panahon na naghibernate ako. Ganun pa man, nagpapasalamat ako na may pakielam sila sa nararamdaman ko. Balik tayo sa nabanggit niya, nawala kc daw ganito ganyan kesyo ganito ganyan.. yung isa ang andyan.. nadevelope etc.. Hmmm.. naisip ko, lahat ng tao may down times. Sabihin na natin na di niya ako maramdaman sa panahon na yun na down siya.. pero di ba, hindi lang naman yun yung panahon na naging down xa? Dahil ba sa sinasabing wala sa particular na panahon na yun, iiwan na? Paano naman yung mga iba pang panahon na super down din siya pero andun ka. Nagmamahal lang ba pag nasasatisfy yung pangangailangan natin? Ang pagkakaalam ko pag mahal mo, mahal mo. Na kahit anong mangyari pipiliin mo lang yung taong mahal mo. Sa hirap at ginhawa di ba nga. Tsaka sa mga panahon ba na ako ang down at wala xa, iniwan ko ba siya? Di ko lang magets kung paano niya nasabi yung mga rason na yun sa iba pero hindi niya nasabi sakin. Sa tagal namin sa huling panahon na yun di niya ako hinarap. Ang pagkakatanda ko ang huling sinabi niya mahal niya ako. Sana kasi ako nalang muna kinausap niya. At di siguro magkakaganito kung naging honest siya sa nararamdaman at nangyayari sa kanya mula una palang at alam niya yun. Bakit hindi nalang sabihin na "iniwan ko siya" Tapos. Gaya ng pagtinatanong ako, "wala na kami." Tapos. Or kung gusto niya mas totoo, aminin niya na, "nagcheat ako." Yun ba gusto nya marinig na sasabihin ko sa ibang tao? "nagcheat siya." Ganun? "Matagal na pala ako ginagagago." Ganun ba ang gusto nya manggaling sakin patungkol sa kanya? No! Hindi ganun yun. Hindi dapat ganun. Wala ng kung ibaiba pang rason para mabigyan hustisya ang pagkawala ng relasyon namin. Sobrang sakit na nga triple kill pa gusto mo. Haha. Pero hindi rin ee. di padin fair.. pero kailangan pa ba isipin kung fair eh kung simula pa lang ng usaping ito ay parang ang unfair na? Sad. Ayoko pahabain to, Wala ko maramdaman na galit pero may nalulungkot ako kc nasasayangan ako na pwede naman pagusapan at ayusin sana nung mga panahon na yun pero mas pinili niya mawala. PINILI MONG HINDI AKO PILIIN. PINILI MO NA SAKTAN AKo. Okay sige, wag mo na ako piliin pero yung di ka makaharap sa taong halos kalahati ng buhay mo ay kasama mo parang teka, nakakasakit ka na ha. medyo masakit ha.. at may maririnig ka pa na mga ganitong balita matapos kong manahimik eto mababalitaan ko? parang teka lang ha.. ako to.. okay ka lang? inaano ba kita? Haayy.. Wala ako maiharap na mukha sa pamilya ko sa ginawa mo, pero nanatili akong tahimik. Ang pakiramdam ko nakatingin sakin lahat ng mga mata matapos ang pangyayari na to, inilaban ko magisa, tapos ganito? Ganyan ka? At ganyan kayo talaga ha? Pilitin intindihin kahit na parang sasabog utak ko kakaisip nung bago pa lang nangyari to. Ganun kami magisip pa ng mga panahon na yun. Nakalimutan siguro naming mahal namin ang isa't isa o nakalimutan niyang minsan may minahal siyang si ako.. Masaya na ko para sa'yo.

Kung may nagawa man ako na hindi maganda o wala sa panahon na kailangan mo, patawad.

Minahal mo ba ko talaga? Paniniwalain ko ba ang sarili ko sa salitang Oo? Para magawa mo sakin ito? Kung minahal mo ko noon at di nga ngayon, tatanggapin ko. Kung hindi mo man ako minahal o di mo na ko mahal, ayos lang pero sana kahit konting respeto man lang.

Soundtrip - Like a FOOL - Keira Knightley.

(o'.'o)

1 comment:

Anonymous said...

Eyy .. Tsismis lang yun . Di yan totoo