Saturday, May 23, 2015

Sa iyo ako.

May nalaman ako.. Impormasyon na biglang dumating at biglang ipinaalam sa akin. Kahit na hindi ko naman inalaman at wala na ko balak malaman. Sa nalaman ko, kung totoo man akala ko masakit lang pero ang sakit sakit pala. Ang sakit sakit pala talaga. Nung kelan tinanong ko sarili ko bakit hindi pa noong 20 ako iniwan niya. Mali! Bakit hindi pa noong 20 ako namin kinilala si God. Siguro kung mas nauna lang ang paglapit namin ni mio sa kanya, kung ang naging sentro ng relasyon namin sa kanya.. hindi cguro kami ganito ngayon. Kung noon mahal ko siya, ngayon mas mahal ko ang Panginoon bago xa.. Ganun pa man ako'y bukas sa pagpapatawad kahit ano pa mang balita iyan na patungkol sa kanya. Patuloy ko siyang patatawarin at patuloy ko parin patatawarin ang sarili ko.

Lahat ng tao nagkakamali.. nasa satin kung matututo tayo sa ating pagkakamali. Lahat ng tao nagkakasala.. at nasa sa atin na kung tayo'y magiging bukas at hihingi ng kapatawaran..

Ang alam ko lang ay..

Ako'y isang makasalanan .. Panginoon patawad at salamat sa iyong pagtanggap.
Ako'y isang makasalanan.. Panginoon patawad at salamat sa iyong paggabay.
Ako'y isang makasalanan.. Panginoon patawad at salamat sa iyong pagpapamulat sa akin.
Ako'y isang makasalanan.. Panginoon patawad at salamat at alam kong ako'y iyong patatawarin.

Pakiramdam ko ako ay bagong panganak muli..
Ako'y sa iyo at mananatiling sa iyo..

Patawad at Salamat.

#Shavua Tov #Shabuot.

(o'.'o)

No comments: