Thursday, May 21, 2015

Ang Lalaki Sa Bus

Kararating ko lang galing manila. Pasok na ulit sa work. Gusto ko pa sana magextend kaso di pinayagan pero naiintindihan ko naman. Bukas ko ikwento yung sa 2 days off ko. Ang ibabahagi ko bebeblog ay ang karanasan ko sa bus kanina..

Hinatid ako ng pinsan ko sa EDSA at dun sumakay paTagaytay.
Waaaa takot talaga ako sa footbridge. Mas mabagal ako maglakad dun pag maliwanag. hahaha nanginginig tuhod ko. ewan ko ba. hmpf! haha

Pagsakay ko bus. cympre sa left side ako at sa dulo sa may salamin. May manong akong nakatabi. isang payat na nakayellow polo shirt, pantalon at cap.

Kumakain ako biscuit.. plain skyflakes.. tas inalok ko xa..
H: "Gusto nyo po?"
M: (manong) ahhh. cge makikihingi ako. kasi gutom nq. o kaya babayaran ko nalang (akmang dudukotsa bulsa) ..
H: ay ndi po! kuha po kau. ay teka baka meron pa ko dito.. (halungkat sa bag) eto po oh! sabay  bigay ng magic creams peanut butter na biscuit.. sa inyo na po!
M: Salamat.
Habang kumakain kami biscuits.. Hanggang sa..
M: San punta mo?
H: Tagaytay po. kau po san kau?
M: Sa Camella.. Sa Bacoor. San ka galing nyan?
H: May binisita lang po sa hospital.
M: ako may inasikaso lang.. jan anak ko nagwowork sa callcenter jan. May 4 akong anak. Panganay ko 28. Mga wala pa asawa. Sabi ko tumulong muna sa pamilya. ikaw ilan taon kna? ilan kayo magkakapatid?
H: 2*.. may 2 ko kuya may pamilya na..
M: ikaw nalang wala?
H: Opo.
M: makikita mo rin ang para sayo. Darating din yun. Basta ang piliin mo yung God-fearing. Wag yung may bisyo talo ka dun at yung babaero..
H: opo. pinagdarasal ko po iyan.
M: Basta may takot sa Diyos.
H: Opo.
M: ako kasi nun ang bata ko pa nagasawa 19 lang ako. kailangan ko na panagutan. Di ako sumunod sa magulang ko. Mahirap kasi andyan na.. hindi ko pwede iwan. kasi kawawa naman. Naisip ko huli na. Umiral yung katigasan ng ulo ko. Na akala tama lahat.. kaya yung mga anak  kong babae sinasabihan ko..at ikaw babae ka.. importante kasal... dapat pakasalan ka.
H: Opo.
Ewan ko paano umabot sas..
M: Ang mga tao kasi akala alam nila lahat. pero di pa pala. Hindi tayo para magpahiga kain at saya lang.. kaya importante ang pagbabasa ng bible.. alamin mo yung purpose ni God sau. kasi nakasulat dun yung ikikilos mo.. yung God the Father iba yun kay Hesus. Kaya nga may anak ng Diyos at iba din ang holy spirit.. blahblahblah.. tas ang pagkain ng dugo..
H: Bawal po yun dba sabi sa bible.
M: tama.. kasi yung dugo nga ang inalay. Dati akala ko tama. pero mali pala. Pinagbabawal pala. at kailangan sumunod sa mga utos niya..
H: .... (nod)
M: sabi pa dba 10% ng kita mo sa panginoon.
H: Opo.
M: teka anu ngang pangalan mo?
H: ay!! .... naku nahihya po ko.. uhm.. Heke po.
M: ako pala si Alex..
H: Alex????!!!! Alexander po ba kayo?
M: Oo.. Ang mga anak ko Alexandria, Alexa (etc..)
H: Alam nyo po ba.. Haaaayy...
M: Ano?
H: uhm.. wala po..
M: at dba pa nga pag binato ka.. batuhin mo ng tinapay.. pag sinampal ka, bigay mo yung kabilang pisnge.. mahirap yun noh..?
H: opo.
M: lalo pa at malaki ang nagawa sayo.. pero sabi wag tayo gumanti. kung magawan tau ng di maganda, wag tayo gumanti kundi magpatawad.. Mahirap?
H: Opo. Mahirap nga yun..
M: ....
H: pero kailangan (magpatawad)..

Sino ka ba talaga manong? Ngayon lang ako nagkaroon ng mahaba haba na usapin sa isang estranghero sa bus. Yung totoo? nagkataon lang ba o sinadya?.. Hmmm..

Ang #whogoat mo manong, sapul ako!

Weird noh?! KLK pero Salamat.

(o'.'o)

No comments: