Tuesday, May 12, 2015

Day 23-28 Lost Soul?

Eto yung 6 araw na dumaan puno ng emosyon..

Mga ganap:
I finally let my family knew about my status with miokun.
Tumawag ang ninang ko para tanungin kung ano nangyari samin at kung naghiwalay na ba kami.. Kung nasan c miorap.. Naalala ko tinatanong nya ko last jan 2014 kung kelan ako magpapakasal.. at magpakasal na daw ako sa May 2014 para andito siya. My ninong also talked to miorap ng one on one that time. Mejo awkward pero I was so touched! Hmmm.

Yung dalawa kong kaibigan na babae nakiiyak sakin.
Yung isa sa kanila ginagalit ako. Hahahaha.. Provoke pa more mare!
Yung isa naman nakipagkita at ngayon inaaya na naman ako na lumabas.
Pareho cla nagseset ng schedule para magkita kami.

Ang mga luhang di mapigilan sa pagpapatak mapahanggang ngayon.

Ang dalawa kong kaibigan na lalaki at kinantahan ako ng MOVEON - Spongecola.
Na paulit ulit ko pinakikinggan tuwing umaga bago pumasok sa work.

Isang dating kaopisina ay nagsabi sakin ng..
"Mam Hex minsan matulog ka naman..

Ang mga mugtong mata tuwing umaga..
Ang mga luhaang mata tuwing gabi..
Ang maluluha luhang mata sa araw araw..

Nakakatawang isipin na ang dating mahalaga sa buhay mo na kung saan umiikot ang mundo mo ay ngayon wala ka ng halaga dito. O baka naman meron pero hindi na kailangan malaman ko. Masakit? Oo. Pero.. kinakaya.. at ganun pala ang pakiramdam ng mabalewala.. na wala na.. na isang iglap parang di kana kilala.. unfriend kana tas blocked ka pa sa fb. Na hindi mo na alam cellphone number at hindi na binigay sayo.. na para bang ako ang naging kontrabida. Na ako ang manggugulo at ako ang nakakasira ng relasyon. Kahit na wag na ako bida basta ba ayoko ng ganitong senaryo sa buhay ko. Pero nangyari ee.. at ganito pala lahat kasakit yun..

Galit ka na ba? Hindi pa rin ee.
Ngunit sa araw araw pinapatawad ko siya.

Hindi ko sinasabi na ako ang nasa tama dito.
Dahil wala ng para sisihin pa.. at magturo ng iba.
Ang point ay iniwan ako. Ako ang naiwan.
At eto ang saloobin ng pusong nasaktan.

At nagpapasalamat ako kasi alam ko hindi ako magisa sa laban na to. Mukha man ako talunan at kawawa sa paningin ng iba, panalo pa rin ako.. dahil hindi ako pinababayaan ng Diyos ko. Paano? Nakapunta ko sa Mindoro, Camarines Sur at habang tinatype ko to ay andito naman ako sa hotel sa Bataan. Lahat to nangyari in less than a month.. Hindi  ko sinasabi na mabuti pala na naghiwalay kami, hindi ganun, kasi alam mo.. Oo ikaw! ikaw ang gusto ko mapangasawa .. Ang sinasabi ko ngayon ay hinayaan ako ni God na makalibot at makapunta sa kung san san lugar upang makalimot .. at magsoul searching. Hahaha. Bagamat natagpuan ko na ang sarili ko sa piling mo, patuloy mo parin sakin pinapakita ang kahalagahan ng buhay at gaano kaganda ang iyong mga likha..

Sa matyaga mong paggabay.
Sa iyo ako lubos na nagpapasalamat.

*Ask.Seek.Knock.

(o'.'o)

No comments: