Thursday, December 19, 2024
A m b i l i s
Ganun na yun? Patapos na ang taon.. Ang bilis ng pangyayari.. Saan kayo sa NYE?
Antok na ako. Bukas na lang.
(o'.'o)
Saturday, December 7, 2024
K y o t !!!
Ang cute nung mga usong P o p m a r t plushies .. Nakakatuwa manood ng mga unboxing ng mga ganun. Ang pinakanagustuhan ko sa kanila yung C r y b a b y.. Daming cute! Cute pero hindi ako interesado bumili kasi para sa akin ang mahal. Ganun pa man, masaya ako para sa mga tao na merong collection na ganun at kung masaya sila, Go! :) Kagabi nakatanggap ako ng regalo mula sa kapatid ko.. isang D I M O O.. Waaaa! Sobrang ganda. Ganun pala feeling magunboxing.. Nakakaexcite at ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos ko magopen ng isa parang gusto ko bumili ng iba pang kulay, kaso huwag na pala.. Hahahaha kaya nanood na lang ulet ako mga videos ni D i m o o. Salamat sa regalo!
Magpapasko na pala.. Ayoko bumili mga gamit o sapatos ngayon at may nagagamit pa naman ako. Pero tuwing nakikita ko yung o n i t s u k a ang ganda.. Maganda kaya gamitin sa paa ang onitsuka tiger? Pagiipunan ko na lang kung maganda at sulit bilhin pero hindi naman nagmamadali.
May 3 akong bagong libro. Yung isa daily devotion siya para sa 2 0 2 5. Ang binabasa ko ngayon ay ang TCTBD.
(o'.'o)
Subscribe to:
Posts (Atom)