Daming kaganapan kaya ngayon na lang ulet nakabisita bebeblog. Alam mo kanina may nabalitaan ako na hindi maganda ngayong araw.. unang reaksyon ko ay nagulat ako.. nalulungkot na ako eh.. natatakot sa pagbabago. Sandaling naiba mood ko dahil doon. Ngunit nabago rin agad kasi natapos ang pangamba. Kaya mas minabuti ko na lang isulat ang aking nararamdaman. Natapos ang aking pag-aalala at pangamba siguro dahil alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos na meron ako. Magtitiwala ako kahit hindi ko maintidihan. Ayoko na magworry sa bagay na hindi ko kontrolado. One day at a time.
Usapang walang control.. araw ng bday ko, libing ng isang kaibigan. Dami kong iyak.. sobrang nalungkot ako sa kaganapan ang bilis ng pangyayari.. mahal namin siya. mahal ka namin. Ganun na lang ba ang buhay? Sobrang bigat sa pakiramdam. Patuloy na ipagdarasal at mananatili ka sa puso namin. Matapos ang pagpunta sa lamay nung gabi bago ng aking kaarawan eh biglaang pagbook ng kwarto sa isang hostel sa makati. Mag-isa lang ako natulog sa kwarto. Sa kabilang room yung pamilya ng isa pang kaibigan ko. Napilitan kami magbook at late na rin kasi. Kinabukasan na sumulpot yung asawa ko. Kumain lang kami ng lunch at pag-uwi namin eh natulog lang ulet ako. Daming pagod ng katawan ko. Pagod na ako.. pero alam mo, hindi ako susuko sa buhay.
Oh ambigat na, maiba.. ang pinapanood ko ngayon ay ang N e t f l i x k-drama na M i s s N i g h t and D a y. Nadagdagdan na naman edad ko at ako ay nagpapasalamat sa mga taong nananatili. Labyuol!hihihi Maraming salamat sa asawa ko at palagi ko ipagpapasalamat ang pagdating mo sa buhay ko. Mahal kita soooooo muuuuuchhhh.
(o’.’o)