Monday, May 20, 2024

M a y o

Hindi ko pala nashare bebeblog na bago kami naghotel nung anniversary ay nagpacheck up pa muna ako nung araw din na yun. Pagod na din ako sa gamot. Natapos ko naman gamutan. Hayyy. Ayoko na po magkasakit pleaseeee. Kahit pa ubo ubo lang yan o sipon o anuman ayoko naaaa. Natapos ko na gamutan ko..  kaya ko nabanggit kasi eto na naman sa sobrang init ang sama na naman pakiramdam ko. Lalo nung isang araw sobrang sama ng pakiramdam ko sa init, mali ding nag black shirt pa ako. Hindi napigil nagpadeliver ako ng maluwag at light na damit para medyo maibsan ang sama ng pakiramdam. Ayoko ng sobrang init pero ayoko din ng malakas na ulan, mula nung napanood ko kasi yung movie na p a r a s i t e ay hindi na ako natuwa sa malakas na ulan. 

May panonoorin ako concert.. nakasecure na tix!!! Excited naaaaaa ako pero mas excited kasama ko. Actually ate ko mas may favorite dun, bonding namin ito. Treat nya ito sakin at gusto daw nya ako makasama. Oooppss hindi e n h y p e n  :( hindi ko makikita sila ngayon sa f u n m e e t nila. Tsaka ako ang may peburit dun hahahaha 

Living one day at a time. Kung anuman ang mga ganap sa buhay, laban lang. :)

(o’.’o)

Tuesday, May 7, 2024

S i n g s i n g

Hay. Nahulog bato ng singsing ko pagbaba ng jeep nung Nanuod kami P V L ang saya ng 2nd game. Sa 1st game natalo sina a r a b e b e. Grabe ngayon ko na lang ulet siya nakita. Huling kita ko sa kanya u a a p days pa nya. So ayun na nga bumaba kami jeep para kumain pagbaba ko, natama sa bakal yung singsing, Naramdaman ko natanggal sa ring. Pagtingin ko wala na yung b a t o. Madami dumadaan na sasakyan  at madilim na kaya hindi ko na rin tinignan pa. E n g a g e m e n t r i n g ko yun. Nakita ko sa mukha ng asawa ko ang ang inis, hindi lang makasalita sakin siguro kasi may kasama kaming iba.. akala ko magagalit siya pero pag-uwi tinanong ko siya tungkol sa ring sabi nya sakin pagagawa na lang kami. Walang sigaw, walang inis o galit sa tono nya. Kalmado lang siya. Nalungkot naman ako kasi di ko naman sinasadya yun na matanggal siya sa pagkakawak ko sa bakal. Tsaka sigurado ako pinagipunan nya yun at mahalaga rin sa kanya yun. Naginquire ako kahapon sa presyo tapos nagreply ngayon, na 4,500 ang presyo ng bato tapos hindi pa natural diamond yun. Ok naman sa akin m o i s s a n i t e , ganda din yun at practical pero mahal na din pala ano. Nakakapanghinayan. Hindi ko nalang muna suotin at palagyan bato yun. Balak ko ako magbayad kapag may extra na pera nalang siguro. Ipon na lang ganoin. Sayang lang kasi madami na pwede bilhin sa presyo na yun at pwede na ipanggrocery yun o ipambili ibang alahas. hehehe oh well.. sigh*

(o’.’o)