Ambilis ng panahon talaga ano.. isang buwan na pala akong kasal bebeblog. Naglunch date kami sa manmaru sa makati at naggrocery na din. Akalain mo yun, akala ko magiging matandang dalaga na ako tapos heto ako ngayon misis na. Ngayon namin mas nalalaman pagkakapareho at pagkakaiba namin. Isa sa nakadagdag isipin ko ay kung ano ang ulam! Hahahaha Masaya ako kapag sinasabi nya na masarap ang luto ko at nagustuhan nya. Nakakatuwa kapag naaappreciate ka ng asawa mo. Teka pala, yung kamay ko nagagamit ko na naman sa pagluluto, dati kakain na lang ako o kung magluluto man eh paminsan minsan lang o di kaya sarili lang iniitindi ko, pero ngayon iba na.. palagi na ako nagluluto at kung anu ano pang gawaing bahay. Pumangit man kamay ko eh ayos lang, masaya ako na pagsilbihan siya. May toka din naman siya sa gawaing bahay wag ka! Hahaha More lutulutuan kasama siya at linis bahay together. Salamat muli sa’yo, Lord.
Sa susunod magpost ako wedding pictures namin.
Aja sa life!
(o’.’o)