I just saw this. The caption: I’ll never forget the disrespect. Credits to the owner.
The trauma it brought me. Unbelievable.
(o’.’o)
I just saw this. The caption: I’ll never forget the disrespect. Credits to the owner.
The trauma it brought me. Unbelievable.
(o’.’o)
Sobrang gusto ko ang kpop ngayon. Ang saya lang kasi comeback ng paborito kong group.. E N H Y P E N! Natuwa ako sa kanila, napanood ko din kasi yung survival show na I - LAND kung saan sila nabuo. Ang gagaling nila lahat. Tapos sakto walang pasok fiance ko.. Dumaan siya sa bahay pagkatapos nya maggrocery. Ang sweet lang kasi nakipasabay ako tapos may pasalubong pa siya sa akin na belgian truffles chocolate. Ayun na nga nakita nya pagfafangirling ko sa panonood sa paborito ko. Ang supportive nya huy kaiyak.. Enha lightstick ang gift niya sa akin nung birthday ko. Dami ko kilig sa nakuha ko pero mas kinilig ako sa effort nung fiance ko na maibigay sa akin yung merch mula sa mahal kong kpop group. Mas ifflex ko yung gesture ng fiance ko. Kuripot kasi yun eh. Hahahaha Sabi nga niya, “kuripot ako pero hindi kita titipirin.” Waaaa~ Huwaw! Hahahaha
Natatawa siya sa akin kasi sobrang gusto ko na this year na magconcert sa PH ang Enha, kasi para alam ko kung anong iseset na date ng kasal namin. Gusto niya kasi 1st quarter eh ako din naman kaso paano na lang kako kapag sumabay sa kasal namin yung concert. Kastress! Sabi ko aalis talaga ako para manood. Bahala na muna siya sa mga bisita. Nyahaha Buti na lang hindi patola si bf ko.. pero legit nga, hinihintay ko announcement kailan ba anong buwan kung next year nga concert nila.. sana this year na talaga at sana makasal na ako next year.
Ngapala, nasa greenhills din kami nung Sunday para magdate at magfinalize ng guests tas lumagpas kami sa target pax namin hay, need magbawas. So paano?! Tas ang dami pala inaasikaso pag church wedding. Huhuhu nagrequest na ako mga docs tho. Naggreenhills din kasi kami para ipick up yung funko pop na naorder nya dati pa, dbale villain line yung pop collection ko. Pero nahinto ako sa pagcollect since kpop nga gusto ko ngayon, buti na lang bayad na niya kaya nakabili ako photocards dun! lol Thank you, love. Nakakaloka sabi ko din kasi ano ba meron sa photocard bakit kinocollect ng mga mahilig sa kpop, huy gagi may konting photocards na ako at 2 album na nila ako ngayon.. tas may paparating akong latest album nila mula sa comeback! Tita mong kpop stan. Hahahaha Try mo sila panoorin mahohook ka din. :)
Prio huy prio.. EN- char! Hahahaha Wedding prio. Yarn! Hahahahaha
(o’.’o)