Sunday, July 11, 2021

Huminga at magpatuloy

Sa ilang buwan na hindi pagpopost, eto ako muli. Kamusta ka bebeblog? Para bang kay tagal ko nawala, sa ilang buwan na yun ay madami na ang nagbago.

Mula katapusan ng Marso hanggang sa huling linggo ng Abril ay lumaban ako sa sakit na C o v i d - 19. Halos lahat ng sintomas ay nasa akin.. andyan yung mataas na lagnat, ubo, sipon, walang panlasa at pang-amoy at hirap sa paghinga. Halos 1 buwan rin ako sa Ospital. Ako ay nagpapasalamat sa lahat ng nagdasal, sa tumulong pati na rin sa mga empleyado sa loob ng Ospital sa pagaalaga sa akin. Hindi biro ang bawat araw lalo pa at mag-isa lang ako sa kwarto. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa ikalawang buhay at pagbibigay pa sakin ng tsansa na manatili sa mundong ito. 

Buwan ng Abril ng kunin na Niya ang Lola ko. Sobrang sakit at lungkot ng kanyang pagkawala. Hindi ko man lang siya naalagaan at nakita. Lumaban din sa sakit na C o v i d - 19, ngunit hindi na kinaya. May mga ibang sakit na rin kasi ang lola. Nawalan ako ng chance maggrieve sapag ako mismo ay lumalaban upang mabuhay. Hindi ko na mabilang ang ilang beses na pag-iyak at pagdarasal lalo na para sa lola ko. Ganun pa man, nagtitiwala ako sa’yo Panginoon kung ano man ang plano mo sa aking buhay.

Ano ang nabago? Alam ko na kung ano ang mahalaga, ang pamilya, ang sarili at pagiging mabuting nilikha Niya. Mas naging simple at mas mahalaga ang kapayapaan at kalusugan. May mga bagay at sitwasyon pa rin na nakakapagpalungkot ngunit hindi para sumuko. Bakit hindi pa ako kinuha? May purpose pa si God sa akin. Hindi papagapi sa kung anumang negatibo na nararamdaman. Magpapatuloy...

Natapos na rin pala ang aking kaarawan, nagkita kami. Salamat sa hindi pagsuko at sa pagmamahal. Masaya din kasi lumabas kami para magdate nung Anniversary namin. Maligaya lang, kumain, naglakad lakad at nagkwentuhan. Hindi pa rin ako kasal. Maghihintay na lamang din. Ayoko na mag-isip kung kailan ang proposal o ano. Mabuhay kada araw, yun na lang. Marami pa rin bagay na dapat ikasaya. Salamat sa mga taong pinipili ako sa araw araw. Salamat rin sa pagpili ko sa aking sarili this time. Hihihi

(o’.’o)