Day1 sobrang lungkot ko nung araw na ito. Nirerespeto ko ang desisyon na pagsuspinde ng pampublikong sasakyan ngunit hindi ko maiwasan na may negatibong maramdaman. Hindi ko alam kung magagalit, maiinis o matatawa. Nagagaguhan ako na ewan. Inuumpisahan ko na, ako lang ito.. at ito ang nararamdaman ko. Naramdam ko kung gaano ako kahirap dahil lang sa wala akong pribadong sasakyan. Ang sa akin sana pinatupad wala lahat, pampubliko man o pribado. Sabay sabay maglakad kung kinakailangan. Nung pakiramdam na habang naglalakad ka, dinadaan daanan ka lang nila. Nakakatangina nung pakiramdam na yun.
Day2 kumalma naman na ako. Nagdala ng headset para maenjoy ko ang paglalakad ko. Inisip ko na lang exercise din ito.. at sabi nga p a r a sa b a y a n. Pagsunod lang. ganoin. Pero sa kawalan ng pampublikong sasakyan, nakita ko na kawawa yung mga tao na kailangan pumasok pero walang kakayahan na maglakad ng malayo. Kung sa pagpasok, wala problema, mga desididong magsilbi eh kaso syempre hindi ko masisisi na yung mga kasama ko na may edad na ay kailangan sumakay tryke dahil ang kalusugan nila nakasalalay. Hindi rin masabi na pasaway ang pedicab o tryke drivers na lumalabas pa rin dahil wala sila mapapakain sa pamilya nila. Kaso isipin mo imbes na ipangkakain ng mga kasama ko o ako, doble o triple ang gastos ng pamasahe makarating lang sa paroroonan. Takte.
Day3 Ako yung tipo ng tao na hindi para magdwell sa problema, dun ako sa solusyon. Laban lang sa buhay. Magtatrabaho hanggat kaya. 3 days na lang ang pasok sa isang linggo. Ipinagdadasal ko na lang ang bawat paglabas ko ng bahay dahil maliban sa akin ayoko mahawa ang ibang tao at pamilya ko.
Day 4 sa paglalakad bukas. Hindi ko inaasahan na tatagal ito ng ganito. Sana mawakasan na ang p a n d e m i c na ito. Ingat sa lahat. Saludo sa lahat ng pumasok sa araw araw kahit anong trabaho pa yan para magsilbi sa bayan. Salamat sa inyo.
Huwag sana ito ang maging sanhi ng kamatayan ko. Ang dami ko pang gusto sana mangyari sa buhay ko. Maalagaan ang mga mahal ko sa buhay. Makatravel. Magfoodtrip. Nais ko rin na maikasal balang araw lol. Ganun pa man, hindi ko hawak ang buhay ko. Kaya bahala ka na sa akin, I surrender myself to you, Lord.
At ikaw sa makakabasa neto, at sa akin na rin kung mamarapatin, kapag nalampasan mo ang c o r o n a 1 9 na humihinga ng matiwasay at buhay na buhay, sana mas piliin mo an kabutihan. Tama na kaguluhan at kasamaan. Panibagong pag-asa, swerte ka napagkalooban ka. Kaya huwag mo pakawalan ang tiyansa na ibinigay sa'yo. Magkaroon ng silbi sa mundo na naaayon sa kagustuhan NIYA.
O matutulog na ako. Work mode pa bukas.
Good night.
(o'.'o)