Monday, December 16, 2019

N i n a n g N a N a m a n

Naimbitahan ako magninang sa binyag noong linggo. Maayos naman. Maliga atalakinh pamilya ang nasaksihan ko. Matapos nun, dahil ang venue ay sa shkys espanya, tumambay muna ko sa bahay ng kapwa ko ninang. Tapos pinagluto ko sila pinyahan manok na kinain namin nung hapunan. (Hindi ako mahilig sa pinya, pinatikim ko lang talaga sa kanya dahil hindi pa raw siya nakakakain nun) Siya rin ay masaya kapiling ang asawa at anak nya. Ayos naman ako sa nasaksihan ko, masaya ako para sa kanilang dalawa dahil mukhang maaayos naman ang kanilang mga asawa. Importante yung paninindigan ka.

Alam ko wala naman ako kinalaman sa ganap nila, masaya ako para sa kanila pero iba kasi kapag nasasaksihan mo na. O ka eh. Ako pinakamatanda sa aming mga girls, oh anuna.. Pasumandaling pagmamasdan ang mga ngiti sa paligid, pansamantalang mananahimik, tas sasabay sa kanilang mga ngiti. Dahilan ng pagngiti? Kasi lalaban ka. Hindi ka para magpatalo sa kung anuman ang nararamdaman mo. Biglang mapapalitan ng pasasalamat para sa lahat. Hindi papagapi.  

(o'.'o)

Sunday, December 8, 2019

Pahalaga

Bigla ko lang naramdaman, gusto ko magpasalamat sa ahensya na pinagtratrabahuhan ko ng ilang taon na.
Maraming Salamat po.
Pahalaga sa trabahong meron ako.
Pahalaga sa trabahong may dahilan kung
bakit ako may kinakain.
Pahalaga at respeto para sa trabahong ito.
Inspirado ako magtrabaho ngayon.
Kikilos.. Ayoko magutom.
Ito ay para sa pagunlad.
Produksyon! HAHAHA
Pahalaga. Pagyakap. Paglago.

(o'.'o)

Sunday, December 1, 2019

H o l i d a L a n g o y









Nakapagdive ako kahapon. Yay!
Biglaan na yayaan. Hahaha
Nakakita ulet kami school of Jacks. Ang saya!
Buti maayos mask ko at wala problema.
Masaya akong makakita ng isda muli 
at pati na rin makita ang tropa.
Salamat sa oras ninyo.

Uhm. Kailangan ko pa rin sideline. Haha

(o’.’o)