Monday, November 18, 2019

L u b a y a n M o A k o


Oh sakit, lubayan mo ako. May konting sipon na lang. Simula ng Nobyembre may sakit na ako. Nilagnat, sakit lalamunan, sipon, hanggang sa nagkaubo.. Ubo ng ubo.. Ngayon, medyo umayos na pakiramdam ko pero may sipon pa rin. Patapos na rin ako sa paginom ng antibiotics. Nawa'y tuluyan na gumaling. Ang hirap magkasakit. Nakakaawa rin sa pakiramdam. Iwas muna sa matamis at malamig. Dito sa bahay, hindi ko maiwasan huwag magkanin kasi sarap ulam. Relapse amp. Pagtapos ng gamutan ko, back to no rice ako. Ang sarap kasi kumain. Gusto ko lang naman maging masaya. Woot. HAHAHA

At kapag magaling na ako, hahanap ng pwede pagkakitaan. Extra income please!

(o'.'o)

Saturday, November 9, 2019

S p e c t a c l e s




So ayun na nga, hindi ko alam nasaan salamin ko. Mag-iisang buwan na nawawala. Nagpagawa na tuloy ako ng bago. Sobrang gusto ko pa naman yun. Baka naiwan ko kung saan man. Hay. Yung salamin ko ngayon dun ko pinagawa sa Quaipo na nirecommend nung college friend ko na si Pillow. Panngatlo ko na to. Yung una ko, naputol. Pangalawa, nawala. May grado na parehong mata ko. Dati pa naman. Osya. Shinare ko lang. Hahaha

Ngapala, naka isang linggo na ko sa bagong work ko. So far, so good. Good luck sa akin.

(o'.'o)

Sunday, November 3, 2019

H u l i n g G a b i

Katatapos ko lang magligpit. Bukas kasabay ang officemate ko at bf nya, susunduin ako kasabay pababa. Hmm.. Sigurado ba ako sa pinapasok ko? Pero kailangan eh. Kung babalik sa dati, keri basta nasubukan. Nung pumunta ako, ayos naman. Ang jeje lang na part sa akin yung nasa harap ang bag ko dahil madami daw mandurukot. Walang pinagbago. Hay. Anuna? Sana dumating araw na malaya ka makakalakbay sa lugar na iyon. Ganun pa man, susugal ako. Eto pala ang ilan sa mga bagay na minsan naging mahalaga sa akin at akin silang natagpuan at panahon na para itapon.






Narealized ko, mas tumatanda tayo, mas nawawalan tayo ng pake sa sasabihin ng ibang tao. Kung saan ka masaya, gora lang, basta wala ka tinatapakan ibang tao. At kung saan ka takot, yun ang suungin mo, malay mo yun pala ang susi sa pagunlad mo at kung hindi naman, ang mahalaga natuto. Sa bagong kaganapan sa buhay ko, cheers! HAHAHA

Ngapala, kailangan ko ng raket. lol! Dagdag income, dahil madami bayarin.

(o'.'o)