Monday, July 8, 2019

T A B A

Mataba ako? Oo. Ilang buwan ko na nilalabanan ang lower back pain. Ilang beses ko naranasan yung tipong 'di ka makabangon agad dahil ang sakit ng likod mo, kagaya ngayon. Aw. Kinailangan ko pa may makapitan upang makatayo. Ilan beses na din ba ako nagsabi ng magpapapayat pero wala eh, masarap talaga kumain ng masarap. Mahina ako pagdating sa pagkain na matamis gaya tsokolate, ice cream, chocolate cake at basta madami akong paboritong pagkain. Tumigil din ako sa pagbili ng pantalon dahil nasisikipan ako,  nakakairita sa pakiramdam. Gusto ko yung kumportable lang. Cute naman maging malusog eh ang kaso madalas ang lower back pain ko sanhi ng excess weight. Araw ng Kalayaan ngayon taon, biglang ayoko na. Obese II kasi ako, matagal na. Sa sobrang tagal, naging kampante ako, kahit pa binibiro nila ako dahil sobrang laki ng pata at braso ko, wala naman akong pake tsaka tanggap naman nila ako. Kaso naisip ko, mag-isa nga pala ako. Paano na, kung ultimo pagsarado ng zipper ng uniform ko sa likod eh hirap ako. Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko, hindi na pwede to, nagdesisyon na ko, at sana naman sa pagkakataon na to, huli na ang pagbabalewala sa kalusugan ko. Tama na muna ang pagkain ng sobra. Bye na muna milk tea.  Hindi nadin muna kakain ng mga paborito ko. Waaa~ Kanina muntik na ako sumuko. Gusto ko na kumain ng pizza, pasta at nachos, lahat ng nakausap ko nagsabi na "huwag" kasi ilang linggo nadin tong laban ko na to. Nakita nila ang pagtitimpi at hirap ko. Dumating pa nga sa punto na napapamura na ko sabay magtatawanan kami dahil wala ako maorder tuwing tatambay sa SB. Palage nalang mapait at ayoko na uminom ng mapait. Hahaha Feeling ko nga minsan ang arte ko dahil naging pili ang kinakain ko. Di ko na tuloy makain yung cereals at gatas sa ref. Tsk. Sa ngayon, wala akong nakikitang pagbabago sa katawan ko pero hayaan na. Heto nalang muna, magiisang buwan pa lang naman. Wag daw ako mainip, sabi nila. Sana magtuloy tuloy na talaga at huwag ako landiin ng mga paborito ko dahil marupok ako. Nyahahaha Balitaan kita sa susunod kung may pagbabago. Sana hindi pa huli ang lahat, dahil ayoko din naman magkadiabetes. Kaya? Kakayanin. Laban? Oo naman.

(o'. 'o)


Saturday, July 6, 2019

Isa pang hikaw

Isa pang butas muli sa tenga. Sa cartilage sana kaso matagal daw magheal, eh may lakbay ako sa Agosto. Sa wakas, makakalangoy na at masisisid ang ilalim ng dagat. Nawa'y makapasa dahil matagal ko ng gusto masaksihan ang ganda ng ilalim.🐠

Ambilis ng panahon, mag-isa pa rin. Nagpapasalamat sa mga taong pinipili ako maging kaibigan o tinuturing na kapamilya sa araw-araw.

(o'. 'o)