Thursday, August 27, 2015

Hilo Pa More, Higa Pa More!


In the morning, we were in an outpatient rehab facility in Makati.. I was feeling completely okay until 11:30, I felt like I'm spinning. Deadma! Kaso waaaa.. para kong magcocollapse na ewan. Before noon natapos na kami, sabi ko "wala to, kaya toh!" First time kasi mangyari to sakin. Tumayo ako hanggang naglakad magisa para lumabas pinto, kaso kailangan ko humawak sa wall. I waited for Mam Ate Sarah para sabihin na nahihilo ako coz' I don't wanna stumble and make a scene. So lahat otw na to elevator, and i was walking like a zombie. LOL! ambagal namin kasi i have to hold her hand. My weight was on the her side. Hanggang sa, "Sir Marvin, si mam hex nahihilo" kaya di muna xa sumakay at pumunta xa samin para alalayan ako. Nakakaloka para akong lasheng na ewan. I felt so powerless. My left hand kay mam sarah, the other is kay marvin. Sa sasakayan hilo pa more hanggang makadating hotel. Nahiga nq, at first 140/90 then it changed to 120/80. kaso hilo padin ako so I had to take Serc as medication. Then I closed my eyes, eventually I fell asleep. I woke up quater to 3 in the afternoon. I wasn't able to attend the afternoon session. I tried to stand up kaso mejo hilo pa din d kakayanin maglakad paakyat. So i ended up spending the whole afternoon sa kama. Hahaha. Thank you tropang rehab for everything. Much appreciated!


Thanks to my new found friends. Team Motivators!
Thanks for the visit and bringing my pm snack.
Free delivery of case presentation too. Haha

(o'.'o)

Monday, August 24, 2015

No to infidelity.

Can't u go back to ur old self? Naisip mo ba yan? Ng ginawa mo yung ginawa mo? Di man xa nakapasok sa katawan mo, nakapasok naman xa sa puso mo. Mas masakit yun! You're stronger than u think. Just keep movin tska mo lang makalalimutan ung sakit. Maalala m ulit paano maging masaya. Parusa mo ba to sa akin? Para kong yung bata na nawawala na walang naghahanap. Mahal ka niya? Pamilya ko siya. O pinaniwala mo lang sarili mo na mahal ka niya? Alam mo.. Pak!(Sampal pa more) Kaibigan kita. Pagod na pagod nq ginagago ng mga taong mahal ko. Ayoko na. You're hurt. People do horrible things when hurt. I must have lost for a while, I've found my way , I've found myself.

-- The Love Affair Lines.

Yan yung mga lines na tumatak sakin. Pinagsama sama ko na. Satisfied ako at hindi nasayang pera ko na manuod sa movie house. Movie rate: 9/10. Gusto ko yung ending. Nagkabalikan yung magasawa Richard at Dawn tas natagpuan na ni Bea sarili niya. Love wins. A friend txtd me like 2 days ago, told me na wag daw ako manuod kasi sabog daw luha ko sa movie na to .. she said pa, u're lyk the character of bea.. minus the kabit thingy.. Well she knew me so well na hindi talaga ko papatol sa may asawa. Pero nakita ko nga din yung sarili ko kay bea sa ibang parte kaya may part dun na naiyak ako. Maganda yung movie. Thumbs up!

(o'.'o)

Saturday, August 15, 2015

Lakas!

Hangkulet mga pics oh.. ansaveh?! Hangpayat ko na.. sa pictures. Watatata.. Goodvibes lang #nofilter #susukaperodisusuko #HealthyHeke
Ft





Maishare ko lang nilakad ko pauwi, tamang soundtrip pa ko.. before 7 naman ako nakadating, pero bakit sarado. Tinry ko yung malapit na laundryshop dito tas pagdating ko, closed. Waaaa! Seminar ko na sa Monday. Sana bukas yun bukas kung ndi, goodluck! Awtz. Watata.. #TiwalaLang

(o'.'o)

The feels

Maliban sa mga kanta ng Parokya ni Edgar bihira ako may magustuhan na tagalog songs.. pero ngaun pinapakinggan ko na yung Sa'yo - Silent Sanctuary. Nakakakilig na may halong kalungkot yung kanta. Nang dahil sa AlDub nalaman ko tong kanta na to.. Fan ako ng kalyeserye stars na si Alden at YayaDub. Bagay talaga sila. Ngayon lang ata ako kinilig sa loveteam.. Kilig pa more! Pero kelan kaya magkikita ALDub?Lakas maka hopiang munggo, ube, baboy at wintermelon. Pero sabi nga ni LolaNiDora, sa tamang panahon kaya maghihintay nalang ako. Ako pa po ba? Watatata. xD Tapos biglang lumabas yung kanta na Pisngi - Jireh Lim. Maganda din yung kanta. May nagparinig sakin ng kanta na to ee. Dahil cguro si pishnge ako.. Tanong: Anyare?! Uhm.. nvrmnd. wag na sagutin. ;) Maiba tayo.. May seminar ako sa manila bebeblog.. at may hahauntingin ako.. makita ko lang yun lagot sakin yun! Alam mo kung sino? este ano?.. Yung Peter's butter ball somewhere sa taft! Waaaa.. namiss ko na yun.. Sana di niya ko iniwan at andun padin xa at hinihintay padin ako. Pero hindi nga, balak ko puntahan yun. Good memories ang nadudulot sakin nun.. Goodvibes. Goodnight! #ShabbatShalom

(o'.'o)

Thursday, August 13, 2015

Joy

I would like to thank you for this one sissy heart. I'm proud that you are now becoming a person God wants you to be. As I found God, I'm happy that you've found him too.. I'm looking forward that you would also be baptize anytime soon.. and yes, I won't ever forget that I'm God's most beloved daughter.. He loves me, I am truly blessed and You too..

#GODisGood #SissyHeartSissyStar #Patience #Faith

(o'.'o)

Tuesday, August 11, 2015

Tropa!


At dahil tagtamad ako.. ayan screenshot nalang. Hahaha.
Laughtrip GV Tuesday! #GOODVIBES
Gusto ko nadin mag thankyou sa tropa kong ito dahil sa kanila ko naranasan ang totoong kahulugan ng pagkakaibigan. Bagamat madami kaming pagkakaiba, nandoon ang respeto sa isat isa. Tanggap na namin ang isat isa. Tsaka nung panahon na brokenhearted ako ng bongga ay nanjan sila upang pasayahin ako. Di ako kailanman nakarinig ng masasakit na salita mula sa kanila laban sa taong nanakit sakin. Bagkus anjan lang cla upang damayan ako.. magfoodtrip. Minsan nga gusto ko lang maghibernate mode nun tas bigla sila sumusulpot para ayain lang ako lumabas at malibang. Ang ginawa lang nila ay magpatutsada sa soundtrip.. mga kantang One that got away at photograph nyo pa more! Hahaha. Tsaka sa kantang Move On.. Weee.. Salamat sa inyong tatlo.. Wushu kayo! #ikesomo Watata.. Mahal ko kayo. Elk! Maxado nang keso. Hahaha. Oxia! Pace yow!

(o'.'o)

Monday, August 10, 2015

Workout pa more

Gawin din nating light..  dahil RD ko na nga.. Hmm.. I just finished my 10 minute workout. Share ko lang mga pics.. Ang dami pa lalakbayin at pwede ibawas. Nakakatuwa naman na yung tshirt na to na masikip sakin eh medyo lumuwang na. See... natutupi ko nadin sleeves. Dati para kong binalot sa suman kapag suot ko to. At wag ko tangkain na tupiin noon kc muntanga. Huhubells. Tsk. Nagpapasalamat ako sa naglalaba damit ko dahil kakalaba lumuwang na siya. ROFL! Kidding aside, bihira ko lang naman talaga to gamitin kaya naniniwala padin ako na pumapayat na nga ako kahit papano.. Ansaveh?! Haha.. Kc madalas ee napapakain talaga ko ng bongga. Hahahaha.. Ang weight ko kanina, dbale kung tama yung weighing scale, nabawasan nq 13 pounds. Hmmm.. again.. di na naman halata. Bwahaha. Pero walang susuko.. Aja!


Ty HaShem sa lakas. Astig! #Goodnight.

(o'.'o)




RD mo na.. LOL!

F: teh kai to, okay ka lang ba? May problema kba?
H: ako ok aq. Pero ewan lang dito walang wifi connection. Mobile data it is.

Hangkulet! Natagalan kc ko magreply sa msg niya kc walang connection paguwi ko. Ginamit ko sandali mobile data ko. Sandali kc lage nalang ako lagpas sa sun bill dahil sa data na yan. Hahahaha Dahil wala naman ako constant na katext o kausap sa fon, ang silbi talaga ng fon ko ay para sa pagiinternet ko. Hmm..  imbes na mabadtrip dahil wala net, naging kalmado naman ako at nagpaload nalang din sa globe para sa surf promo. Ambilis ko maidettach sarili ko sa bagay na un na kung tutuusin halos lahat ata ng tao ngayon mababaliw kapag di man lang masilayan social media accts nila ng isang araw. Sa totoo lang ang ginawa ko lang kagabi ay magbrowse old posts ko dito sau bebeblog..

Ngaun, dahil maliwanag pa, naglakad ako pauwi sabay dinner na din.. isang tilapya with egg at kamatis tsaka 1/4 nung puto. Hindi ako nagsayang, binigay ko ung natira sa puto dun sa bantay sa tindahan. At baka magtaka ka, kumain ako chicken steak at halfrice, PIC-A chips with mayo at yakult nung lunch. Aw.

At alam mo, paguwi ko, at tinry ko magconnect at.. Yey! Meron na. Tamang tama off ko na. WFTD: Patience. Hintay lang. Nagkameron pa xa sa panahon na kailangan ko xa. Weee.

Plano: Laundry day tom tas movie marathon, exercise at AlDUb pa more.. Parang gusto ko magbalot trip pero paano?! Kanino ko nalang ibibigay yung sisiw.. magpenoy nalang ulet ako.. uhm... oh please, do not forget to read your bible Heke Girl. Happy RD! xD

#GODisGood.

(o'.'o)

Sunday, August 9, 2015

Check feelings Heke Girl?

Bello! Check feelings:

Mga natutunan:
Mas maging mapagkumbaba. "Mas" kasi alam ko naman na di ako likas na mayabang pero cympre tao lang tayo, may parte sa buhay natin na hindi natin napapansin na tayo ay nagiging mayabang na pala o nagiging mapagmataas. Sa mga ganap sa buhay ko ngayon, masasabi kong mas natuto ako maging mapagkumbaba. Hanggat maaari mas inuunawa ko na ang ibang tao kaysa sa sarili ko. One time nga may babaeng nagangas sakin dun sa isang store, imbes na patulan ay mas pinili ko yumuko, hayaan nalang. May mga taong, inaalipusta ka base sa tingin, pero mas pinipili kong wag pansinin. Dati hindi ko maintindihan bakit may mga taong di makamove on, ngaun alam ko na ang pakiramdam ng pusong nasaktan. Mas lumalim ang pangunawa ko sa usaping pagibig at pakikipagrelasyon. Mas humaba ang pasensya at mas naging sensitibo sa nararamdaman ng iba. Isang beses may nakita kong malungkot na katrabaho, at hindi ko alam kung bakit, hindi man kami close, bago ko umuwi nakita ko xa, di talaga ko mapakali hanggat wala kong gagawin sa kanya. Ang ginawa ko, bumili ako ng malaking caramel puffs sa tindahan at iniabot sa kanya. At napasaya ko xa sa simpleng bagay na yun. Mas naging simple ako at mas pinahahalagahan kung ano lang ang mayroon ako. Mas natuto akong magpahalaga at mas magbigay pa sa iba. Meron akong isang katrop na ngaun pag nagigipit xa, at pag nagmsg xa, walang pagdadalawang isip, hati kami sa baon ko at pinahihiram ko siya, pinadadalhan at hindi kailanman ako naghangad ng kapalit. Minsan sa buhay natin nagsasabi tayo ng di naman natin masyado minemean o dahil out of pagiging courteous nalang, ngaun, bawat thank you ko i mean it na. Masasabi ko na mas naging malambing ako. Lahat ng pwede ko maappreciate, maliit man o malaki mas naaappreciate ko ng buo. I am really thankful too dahil kay Hashem, unti unti akong hinuhubog ng naaayon sa kalooban niya.

Mga nanatili:
Ako parin yung tao na masaya sa nararating ng iba mapa career, lovelife, familylife o atbp. Masaya na yung iba may forever. Pag may nakakasabay ako sa jeep na couple, masaya ako para sa kanila. Kilala ko man o hindi, nanatili ang kagustuhan ko na makita ang lahat ng tao na masaya at magkaroon ng katahimikan sa isip at puso nila. Masaya kapag masaya ang iba. Malungkot kapag malungkot ang iba. Hindi padin naghahangad ng ikababagsak ng aking kapwa. Nanatili ang aking paniniwala na lahat ng tao may kabutihang loob. Salamat Hashem at Yahweh dahil hindi kailanman ito naalis sa akin.

Buhay pagibig:
Makalipas ang 3 buwan, ang emosyon na minsan hindi ko na maintindihan, ganun pa man habang tumatagal nagiging malinaw na rin sa akin ang lahat. Hindi padin ako handa sa relasyon, at hindi ko padin ipinagdadasal ang bagong karelasyon. Siguro dahil sa lahat ng ito, siya padin ang mahal ko? Baka, siguro, pwede, Oo. Basta ang cgurado ako sa ngaun, mas pinagtitibay ko pa ang relasyon ko kay Hashem. Mahal ko ang Diyos na meron ako ngayon at kailanman hindi na ako muling bibitiw. #MyFaithfulGod  #FeelingBlessed

(o'.'o)


Wednesday, August 5, 2015

Peace yow!

 'A flower does not think of competing to the flower next to it. It just blooms.'


(o'.'o)


Tuesday, August 4, 2015

Choose to be happy.

RD = PLANKING kind of day. Aja! Watatata.. xD Video is in my IG tho.LOL!
Music: Bangbangbang - Big Bang.

#Simplicities #SimpleBubblyHeke #Goodvibes
Proverbs 31:30 - Charm is deceitful and beauty is vain, But a woman who fears the LORD, she shall be praised..

(o'.'o)



Tuesday, July 28, 2015

Foodtrip Kind of Day

Hi! Foodtrip day.
Oreo banana mcflurry and cheeseburger @ McDo
Chicken Aglio Olio @ Pepper Lunch
Ensaymada @ Diamond Hotel
White Chocolate Mocha, iced coffee @ SB

KLK! Ang dami ko nakain today.  Pero okay lang din. Kasi konti pa yan sa pwede ko ikain. Grabe katakaw. May control pa yan. Hahaha. Proud padin ako sa sarili ko. My aim is to lose another 10 pounds by the end of August. Actually ang dami pa pwede ibawas. Kaya nagtataka ko bakit sabi nila sa pics na pinost ko today na ampayat ko na. Eh hindi ko pa nga makita. Ewan ba! Basta focus lang Heke Girl. Hindi ako nakapagexercise kaninang morning kc nagkameron ako. I do it twice a week during restdays. Next week nalang ulet. Tomorrow is laundry day. Tahitahi. Tas linis kwarto. Aja!

#BLESSED #BEHAPPY #FOCUS

Thank you po Hashem sa lahat ng ito.

(o'.'o)

Monday, July 27, 2015

WFTD: Self Control until when? LOL!

Yan nga nawala sakin noh.. Seafood diet: Whenever I see food, I eat. Mahilig talaga ko sa foodtrip. At nasobrahan! Hahaha

Kagabi nagdinner kami sa S&R .. at sa halos lahat ng tao dun na kumakain ng pizza, kami lang ata nung Lola sa kabilang table ang nakasalad. Akalain mong napigilan ko wag kumain ng fries (este isang order kasi kumuha ko 3 piraso sa fries ni bbKRN), cheeseburger at pizza.. tatlo sa mga paborito ko. At hindi ako nagSoda.. Yung dalawang kasama ko uminom tas ako tubig. Sabi ni KRN: "Sana magkaroon din ako ng control kagaya mo." Ako: "Huh? Kumakain ako. Dba nagpizza last time kaya ayoko lang magpizza ngayon." Pero ang dami kaya nung salad. Pangdalawang tao ata yun. Aw!

Tas kaninang lunch naman.. umorder ako spamsilog. 3 slices ng spam + 2 eggs + 1 rice + 1 iced tea. (oh btw, sulit siya sa presyo niya promise!) Ang kinain ko lang 1 itlog 2 spam halfrice at iced tea. Tas pinakain ko na kay nico yung natira. Sabi nung isa, "Bilib ako sayo." Ako naman, "Huh?!" Ang dami kaya nun. Pero sabagay dati kaya ko ubusin yun spam laya yun! Aw.

Bago umuwi inaya ako ng tinapay ng Starbucks ni Mam.. habang nagkukuha sila ako tinignan ko yung laman ng box sabay sabing, 'Sige po, thankyou." At tinignan ako nung nagalok sakin at nginitian ko lang siya. Sabay alis.. SB yun.. gusto ko yun. Pero d man lang ako nagatim na tumikim. Anyare?! May lagnat? Walang panlasa? Haha

Naglakad ako pauwi dahil maliwanag pa at emote lang habang nakikinig ng soundtrack ng Begin Again. Dumirecho na sa karinderya at umorder ng isang hiwa na isda tas inom tubig. Solve! Masarap namam kain ko habang kakwentuhan yung cna titatito mayari. Naalala ko nung kelan pinalibre nq ni tito yung asawa ni tita kc kalahating order ng miswa lang kinain ko. Nabusog naman ako. Parang naawa ata sakin. Anyenyeee!

Ang kukulit reaksyon nila.. o ganun lang talaga ko katakaw dati? KLK May mga nagsasabing pumapayat ako pero parang hindi ko naman pa napapansin talaga. Ganun pa man, okay naman ako sa mga kinakain ko. Di ko naman nararamdaman na deprive ako. Wag ko lang makita yung chuckie ko sa ref nila xelaris. Hahaha Pero sa totoo lang, kumakain naman talaga ako. Ang dami ko nga nakain combos lastweek. Pati nung bday ni dokie. Pero sa kaya ko pa kainin noon, nabawasan na ngaun. Tsaka dati may mga takaw tingin pa ko sabi nga ni ngusho tska glutton mode on, ngayon wala na yun.

Madami na palang nagbago.

(o'.'o)

Saturday, July 25, 2015

July 2015 Playlist

You can tell a lot about a person by what's on their playlist.

1. LOST STARS - Keira Knightley/Adam Levine
2. LIKE A FOOL - Keira Knigtley
3. A STEP YOU CAN'T TAKE BACK - Keira Knightley
4. TELL ME IF YOU WANNA GO HOME - Keira Knightley
5. PHOTOGRAPH - Ed Sheeran
6. STOLE THE SHOW - Kygo
7. WHERE ARE YOU NOW - Skrillex and Diplo
8. FOREVER and ALWAYS - Parachute
9. PATIENT LOVE - Passenger
10. SOMEBODY THAT I USED TO KNOW - Adam Levine

Added to my favorites:
BEGIN AGAIN Movie (2013)

(o'.'o)


Wednesday, July 22, 2015

Put God First.

Salamat Hashem sa araw na ito. Salamat dahil nagkaroon ng discipleship today at nakasama ako. Dahil sa guilty ako sa di ko pagbabasa ng bible kahapon.
Tas kanina d na naman ako nakapagbasa. Patawad kung kinakaligtaan ko magbasa at hindi ko kita inuna. Dahil kanina mas nanaig sakin na unahin ang simple business ko pagkagising ko.. At dahil dun.. 12:00nn bigla ako tinawagan at pinapunta at tska ko lang nalaman ang dahilan .. magtuturo ang spiritual mom namin.. Salamat dahil pinahinto mo ako at pinaalalahanan na bigyan ka ng daan. At pinaalala mo  na ikaw ang aking lahat.. at ikaw ang magbibigay sakin ng lahat lahat. Ang 5 oras ng buhay ko ay hindi nasayang, sapagkat nakarinig ako ng mga salita mo..

#Direction
#BeHumble
#Hardwork
#Shema

(o'.'o)

Sunday, July 19, 2015

Ingat!

HEALTHY HEKE DIET ALERT:
Bebeblog. Alam mo ba na nabawasan na ko 9lbs. WEH? Totoo. Aw. Parang hindi halata.. Yun lang. Bwahaha.. Okay na yun kesa wala. Unti unti.. Minsan kc napapadalas cheat day ko. Pag shabbat ang dami pagkain. Nafefeed ung soul ko pati tummy ko. ;) Yesterday closing shabbat sa bag of beans. Hahahaha. Pero 9lbs eh hindi na masama. Need ko lang talaga magless pa ng carbs and sweets. Kelan  ba ko huli uminom softdrinks? Ang tagal na atang hindi. Pero guilty ako pagdating sa icecream. Hahaha Oreo banana mcflurry ng McDo. #minionlove Hahahaha. Looking forward to lose more weight. Aja Heke! :) Hindi ko naman magagawa to kung hindi dahil sau Hashem.. Thankyou!

NO to alak, yosi and drugs!
At exercise din pag may time.
Less puyat Heke pleaassee.
All for Him.

(o'.'o)

Saturday, July 11, 2015

711

To that person..
whom I enjoy laughing with
whom I like watching korean movies with
whom I love eating icecream and ramen with
who constantly has been reminded to quit smoking
and drinking alcohol coz its bad for one's health
whom I cheer for everytime you play guitar
whom I always believe in
whom I never imagine would betray me
whom I gave my full trust
whom I thought I would spend my whole life with or grow old with
who hurted me big time yet I still wish you happiness..
HappyBirthday Miokun. SuperDuperBigHug!

(o'.'o)

Sunday, July 5, 2015

Old self died to a new life.


BAPTISM. 07/04/15. It's official! I'm now the servant of Hashem.

(o'.'o)