Gawin din nating light.. dahil RD ko na nga.. Hmm.. I just finished my 10 minute workout. Share ko lang mga pics.. Ang dami pa lalakbayin at pwede ibawas. Nakakatuwa naman na yung tshirt na to na masikip sakin eh medyo lumuwang na. See... natutupi ko nadin sleeves. Dati para kong binalot sa suman kapag suot ko to. At wag ko tangkain na tupiin noon kc muntanga. Huhubells. Tsk. Nagpapasalamat ako sa naglalaba damit ko dahil kakalaba lumuwang na siya. ROFL! Kidding aside, bihira ko lang naman talaga to gamitin kaya naniniwala padin ako na pumapayat na nga ako kahit papano.. Ansaveh?! Haha.. Kc madalas ee napapakain talaga ko ng bongga. Hahahaha.. Ang weight ko kanina, dbale kung tama yung weighing scale, nabawasan nq 13 pounds. Hmmm.. again.. di na naman halata. Bwahaha. Pero walang susuko.. Aja!
Ty HaShem sa lakas. Astig! #Goodnight.
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment