Umulan pa bigla kanina, kasi ba naman dba nga may bagyo eh wala kami dala payong nung kasama ko. Sinabi na kasing hindi naman ako waterproof. Hahaha So mega tago ako para wag maulanan. Ang dami na nabago sa akin mula nung nagka c o v i d ako. Sakitin na ako, monthly ata nagkakasakit ako. Konting alikabok ata nilalagnat na ako at sinisipon lol o sadyang kulang lang sa ehersisyo at bitamina. Ganun pa man naway malakas ako sa araw ng kasal ko.. Malusog na pangangatawan para sa lahat.
Kailangan maayos ko lahat breakdown ng expenses namin. Lalo pa at ayoko humingi ng tulong pinansyal mula sa ibang tao man o kamaganak. Save na lang nila sa money dance namin yan. Bwahahaha Gustuhin ko man mastress, pinapakalma ako ng bf ko.. kahit pa mas malaki share nya, sigurado siya na makakayanan at malalampasan din namin ito base sa gusto namin na klase ng wedding.
Yung nagcocomment dito, sinasama na kita sa post at katamad magreply. Hahaha ichat mo na kaya ako sa messenger? Baka malimutan pa kita iadd sa guest list kung katropa kita. Hahahaha. Limited lang din kasi talaga ng pax. Gustuhin ko man isama buong tropa, hindi keri talaga. Teka, ikaw kamusta ka? Oo nga ano, ikakasal ako at akalain mo yun, sa simbahan pa nga. Akala ko tatanda na akong dalaga. Yung tipo ng tita mong pa kpop kpop hanggang pagtanda. Cutie din!
(o’.’o)
5 comments:
hahaha tamad mag reply sa comment ah. Saan ba ang kasal. Oras at date. Baka bigla ako susulpot nalang 😉
Sino ka muna? Kaibigan ko? Classmate? o baka yung ex bf ko pa ha. Hahahaha
Ahahaha
Ba nagreply sa comment ahahahaha
Sino ba sa tingen mo 😉
hindi ko nga kilala. sino ka nga? kokotongan ko mukha mo.
Sikreto nalang muna
Post a Comment