Natatakot ako sa aking pagalis, ngunit sa tingin ko ay kinakailangan. Ako ay kanilang pinipigilan, salamat sa mga piling taong may pakielam. Hindi ako perpekto at madaming pagkakamali sa mundong ito na kung pwede lang ibalik at masolusyunan. Sa trabaho, pamilya, relasyon, lahat yan may salto. Ngunit hindi na maibabalik ang nakaraan. Sa hindi inaasahan na pagkakataon, inilatag ang pagbabago at akin itong sinunggaban. Pagod na ako sa magulong mundo. Oo alam ko walang perpekto pero kung mas magulo ang papasukin ko, eh ano, ang mahalaga bago. Bagong kaalaman, pakikisama at pagmamasid sa kung ano ba ang nasa paligid ko. Kung ibabalik ako sa dating trabaho, ayos lang, ipagpapasalamat ang pansamantalang karanasan. Sa totoo, sobrang natatakot ako sa kung ano ang papasukin ko. Matagal ng nawala ang dating bibo. Ako ngayon yung tipo ng tao na makikita mo sa sulok kung papasok ka sa isang kwarto. Yung taong mas pipiliin pa magisa kesa makihalubilo. At kung makikihalubilo sa mga piling tao lamang dahil kapag madami, gusto ko na maglaho. Ako ngayon yung nawalan na ng lakas ng loob dahil pakiramdam ko ang bobo ko. Ako yung tao na biglang naging pipe at hindi na makasabay sa galaw ng mundo. Hindi mo ako mapagsasalita dahil wala lang naman ako. Ako ngayon yung hindi na interesado sa mga lalaki dahil pakiramdam ko walang magmamahal sa akin ng totoo. Ako ngayon yung pakiramdam na napagiwanan na ng lahat. Ako ngayon yun pinipiling magpakabuti ngunit hindi ako perpekto sinasabi ko na sa'yo. Ako ngayon yun. Ang babaeng pilit na ngumingiti sa araw araw at pilit na lumalaban para sa buhay na mayroon ako. Gusto ko sana manatili, gustong gusto ko ngunit kung hindi ko susubukan paano ko malalaman kung ano ang nasa kabilang dulo..
Sa buwan na ito ako ay lilisan. Sa ating muling pagkikita, Salamat family.
Balik M a y n i l a, yan ang ganap ko.
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment