Wednesday, October 2, 2019
r i p c u r l
Siya si r i p c u r l. Isang aspin na doggo. Aso ko ba siya? Hindi eh. Pagala gala siya eh pero dito dito lang naman malapit samin. Nung nakita ko siya dati, nagustuhan ko na siya. Pinapakain ko siya pag may tira ako hanggang sa tumagal, pinagluluto ko pa siya ng pagkain nya. Almost 2 weeks siya nawala netong simula ng September. Ang naalala ko bago siya mawala eh dalawang araw na magkasunod ko siyang sinasabihan na paano siya kapag wala na ako. Dahil nga kasi sa mga pagbabago na ganap sa buhay ko. Tas kinabukasan wala na sya. Sobrang lungkot ko nun kasi ilang buwan ko na siyang alaga kahit papaano. Andun yung hinahatid niya ako papasok office na maraming beses nangyari. Tas siya mararatnan ko paguwi ko tho minsan nawawala pero sumusulpot siya araw araw. One time sumama pa sya sakin tumakbo sa oval para magjogging. Ang paghatid sakin sa grocery store. Tas pinagawan ko pa nga siya kainan na may pangalan nya eh. Nung nawala sya, plano ko na ipagtanong sya baka kasi nahuli buti bigla sumulpot. Muntik na ako maiyak, niyakap ko sya mahigpit. Masaya ako sa kanyang pagbabalik. Masaya ako lalo nung sabihin ko sa kanya na isasama namin siya kung san man kami lilipat. Ngunit nagkaroon na naman ng pagbabago kung pwede ko lang siya isama sa pupuntahan ko. :( Ganun pa man, susulitin ko ang mga nalalabing araw na kasama ko siya. Alam ko naman na aalagaan siya ng mga kasama ko. Salamat ripcurl sa pagprotekta sa akin sa tuwing magkasama tayo. Pero nakakatakot ang pagtahol nya sa tuwing may makakasalubong kaming ibang tao. Sa pagpapangiti sa akin sa tuwing kinukulit mo ako. Mamimiss ko din ang pagkamot sa'yo kapag naglalambing ka. Hahaha Salamat kasi ng dahil sa'yo nagbalik ang pagmamahal ko sa aso. Isa ka sa mga maikwekwento ko sa ibang tao kapag naging lola na ako. Mahal kita, r i p c u r l.
(o'.'o)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment