Nanood ako ng dalawang pelikula mula sa P P P 2019. Tawang tawa ako sa T h e P a n t i S i s t e r s. Pinanood ko ang D i e B e a u t i f u l at B o r n B e a u t i f u l, kaya hindi para palampasin ito. Gusto ko din kasi ang mga actors na kabilang dito. Tapos, sinunod ko ang pelikulang O P E N. Pagkatapos ng pelikula, gusto ko man balikan ang nakaraan, mas pinili ko na huwag na lang. Mapasalita o isipin, di ko na ginawa habang kasama ang kaibigan ko. Sa'yo ko nalang share bebeblog ang thoughts ko sa movie na ito. Ang sakit ng pelikulang ito. Yung kasama ko iyak ng iyak eh. Ako napaluha lang. Hahaha Ramdam ko ang sakit lalo na sa linyang "kulang na kulang ba ako?" tsaka "Bakit mo ako sinaktan? Twice?" Gusto ko kotongan yung lalaki sa pelikulang ito, pero nais ko rin unawain, sya kasi ang weakest link sa ganap na ito. Yung idea pa lang ng o p e n r e l a t i o n s h i p eh nakakagago na eh, paano pa kung iaapply nyo diba. Exciting pero risky din sa kalusugan. Yung mura ni Rome dun, ang intense. Sobrang ang galing nya dun. Yung pakiramdam na pumayag ka na nga sa kagaguhan na yun, tas malalaman mo may mas gago pa palang ginawa. Dobleng sakit ng scene nila sa parking. Isa pa nakayanig sakin yung part na sinabi ni Rome, “Para akong mababaliw kakaisip asan ka, sino kasama mo, anong gagawin niyo?” tapos yung diring diri siya sa sarili nya. Naramdaman ko ang trauma sa kanya. Nakakaawa sila pareho na ganun ang nangyari sa relasyon nila. Kasi naman naknamputang 14years tapos ganyan. Mapapamura ka talaga ng matindi. Mapa kay Rome o Ethan, marami ka matutunan sa movie na ito. Dapat sa pagpasok ng relasyon, pareho kayong buo at hindi para buoin pa ang isa't isa. Panoorin mo ang pelikukang ito para alam mo na ang gagawin kapag papasok ka na muli o papasok palang sa relasyon.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment