Nagkaroon kami ng emergency meeting kanina. Ayoko idetalye. Nalulungkot ako. Ganun pa man trust the process ang peg ko. Kung ano ang will ni PapaGod sa amin, tatanggapin ko. Kapag nagkataon next month madaming padaadjust ang magaganap. Hay.
Maiba, sa Sunday kasama ako sa dive. Sa ngayon, ipapatong ko sa leggings ko yung nabili ko dati na below the knee pants. Kaso 3mm lang siya. Wag na sana ako masugatan, kundi need ko ata talaga wet suit na next time. Hirap kasi isuot nun tsaka parang wala ako makita na kasya sakin kaya ayoko nun. Ehe. Di na makirot ngunit nagpeklat na yung sugat ko sa tuhod. Kasama ng sugat ko ng plumakda ako kaya sugatan tuhod tas nagbutlig butlig na tsaka eto ngayon, ang panget na pala tignan ng tuhod ko. Wawa. Goodluck sa susunod na sisid. Sana makakita na ko pawikan at sana maging maayos naman.
Ngapala, 2nd week ng September may lakbay ako, sumabay pa ang ganap sa work. May two weeks ako magligpit ng gamit at the same time, two weeks para ayusin work ko at two weeks magpaliit tyan dahil sa lakbay ko magsusuot ako swimsuit. Lakas. Hahaha
Sa totoo lang, pinipilit o uhm pinipili ko kumalma sa ganap sa buhay ko. Nagulat kaming lahat eh, na eto na naman, eto na pala. Agad agad man, tiwala lang.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment