Hello bebeblog! Natapos ang unang dive ko sa dagat last weekend. Positibo naman ang feedback nung dive instructor namin. Kailangan pa lang magpractice pa kami ng finning. So far, natutuwa siya at mabilis kami matuto. Aga kami nakapagcheckout, pasado ako. Wala na matindihang tutukan na naganap sa amin. Sobrang nagenjoy ako. May naging konting problema lang nung sa last day na check out, pagkaahon ko biglang sumingaw bcd ko (may bumara pala na bato) pero buti daw kalmado ako nakarating ng ako shore ng payapa. Sunod lang sa instructions at dapat wag magpanic kundi tegi, di na siguro nila nalaman kung san ako unti unting lumulubog kundi ako nakasigaw para sabihin na ayaw maginflate bc ko. Kaso sa susunod, wag daw ako ngumiti pa kung emergency na. Ang nangyari kasi nginitian ko pa muna yung kasama naming babae na friend ko, tas bumaling ako patalikod para hanapin ang dive instructor. Buti narinig ako. Napuri pa din naman ako sa pagkakalma ko kahit papano. Woot. Ay ngapala, NAKITA KO SI NEMO! Ang cute. Excited ako makakita ng iba pang mga isda pero mas focus muna ako sa finning ko. This week, sa linggo, exam kami tapos next week dive ulet.
Ngapala, aattend kami sa September ng DRT Show. Sana makabili na ko mask dun tsaka balak ko din bumili fins pero depende pa, mahal fins. Pinagpipilian ko kung pink o white may rashguard ako na pink pero mas matimbang sakin ngayon ang white fins. Mask kailangan ko na talaga. Isa isa lang. Kaya baka mask muna.
Ay yung sa timbang ko, share ko lang, Naalala ko sa pagod ko sa langoy, napatinapay with icecream ako. Hindi na mauulit. HAHAHA Sinabihan din ako na magweights na.. lumalawlaw na yung taba sa braso ko. Kailangan daw itone. Hala. Target weight 65kg for this month. From 80kg, 70kg ako ngayon. :) pag nag 60 ako, dami nagpromise ng samgyup sakin, kaya sana mameet ko yung target na yun this year. Laban! Nyahahaha
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment