Hindi ko alam bakit ako naiiyak talaga eh. Okay, napaluha. Ito ba ay dahil ba sa 3 araw na ko nagtatae?hindi na ko nakapasok kahapon tas halfday ako today, ang lala! o dahil isa na naman sa tropa kong babae ang buntis. Ito ay base sa usapan sa gc. Uhm, 5 kami sa tropa tas ako pinakamatanda. Masaya ako, Oo, sobrang saya ko para sa kanila. Ayoko magkumpara kaya't kalmado ko lang binasa ang usapan nila, ngunit nakaramdam ako ng lungkot ng binanggit ng isa ko pang kaibigan na kami na lang dalawa ang natitira. Single kami pareho, ay teka, siya ata ay may karelasyon ngunit kumplikado, pero nabasa ko dun na magpapabuntis na lang ata siya. tas ako naman, talagang bokya, at ayos lang. Ayos lang ako, ayos lang dapat yun, ayos lang naman talaga dba? Andun sila usapan pagbubuntis, at sobrang okay lang yun. Ayoko magpadala sa pinaparamdam sakin ng tao sa paligid ko. Nauunawaan ko na masaya sila sa darating na biyaya na ito, at gaya nila, sobrang saya ko para sa kanya at sa kanilang lahat. Iba daw ang saya ng may anak, nakakatuwa isipin na isa isa na silang nagiging nanay. Nirerespeto ko ang desisyon ng bawat isa sa kung ano plano nila sa buhay, hiwalay naman ang nararamdaman kong eto sa kanila. Pero share ko lang bebeblog, kung tatanungin mo ako, sa kung ano ang nais ko para sa sarili ko, una, ayoko ng kumplikadong relasyon, pangalawa, gusto ko sana ng kasal, pangatlo gusto ko na bumuo ng pamilya. Masyado ba mataas ang hinihiling ko? Hindi ako perpekto ngunit eto ang ipinagdadasal ko. Gusto ko sana umiyak ng umiyak eh, kaso nagbago isip at puso ko, huwag na pala. Ipapaubaya ko na sa'yo Panginoon kung ano ang will mo sa akin, ito ay malugod kong tatanggapin. Kung magkakapamilya ba ako o tatandang dalaga, kayo na po ang bahala.
Salamat sa pangunawa at pakikinig este sa pagbabasa ng aking saloobin.
At habang tinatype ko ito, sumasakit na naman ang tiyan ko at kailangan ko na gumamit ng banyo. HAHAHAUHUHU
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment