(o'. 'o)
Thursday, March 28, 2019
Paliwanag. Maliwanag. Liwanag.
Naluha ako habang naglalakad paalis ng bahay. Umuwi ako matapos ang tatlong buwan. Balikan lang ako. Masaya ako para sa lahat. Recognition Day ng pamangkin ko. Tas nung maglalunch na sa labas, sinama ko ang lola at mga pinsan. Ang saya nila tignan. Ang saya ng puso ko. Habang pinapipili ang pamangkin ko ng nais nya na regalo. Habang nakahawak sa akin ang lola at kausap ko siya, naging payapa ang pakiramdam ko. Habang kasama ang kapatid ko at ang pamilya nya, di ko maiwasan ang mapangiti. Ang laki na ng isa ko pang pamangkin. Ako'y nagagalak at hindi siya pasaway na bata. Habang papalubong na si Haring araw, nagbabadya na rin ang aking pagalis. Ako'y nakaramdam ng lungkot. Muli, mag-isang maglalakbay pabalik sa trabahong sa akin ay bumubuhay. May pasok pa bukas, kaya't kumilos ka. Unti unti napawi ang mga ngiti at napalitan ng di mawaring emosyon. Inuulit ko masaya ako para sa lahat. Ngunit, biglang pinaalala sa akin na ako'y mag-isa. Walang matatawag na sariling pamilya. Habang ang mga anak ng iba unti unti ng lumalaki at mga nagsisipagtapos na. Ang lola madagdagan muli ang edad sa taon na ito. Ako mismo'y matanda na. Ang sabi nya bago ako umalis "ingatan nyo sarili nyo." at gaya ng sinabi nya noon naalala ko pa, "mag-isa ka, kaya't magiingat ka." Ito sa akin ay tumatak. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong umaalala at nagpapaalala. Papahiran ang mga luha tas bukas, babangon muli ng may ngiti. Lalaban at hindi papagapi sa kalungkutan o ano pa man.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment