Monday, July 27, 2015

WFTD: Self Control until when? LOL!

Yan nga nawala sakin noh.. Seafood diet: Whenever I see food, I eat. Mahilig talaga ko sa foodtrip. At nasobrahan! Hahaha

Kagabi nagdinner kami sa S&R .. at sa halos lahat ng tao dun na kumakain ng pizza, kami lang ata nung Lola sa kabilang table ang nakasalad. Akalain mong napigilan ko wag kumain ng fries (este isang order kasi kumuha ko 3 piraso sa fries ni bbKRN), cheeseburger at pizza.. tatlo sa mga paborito ko. At hindi ako nagSoda.. Yung dalawang kasama ko uminom tas ako tubig. Sabi ni KRN: "Sana magkaroon din ako ng control kagaya mo." Ako: "Huh? Kumakain ako. Dba nagpizza last time kaya ayoko lang magpizza ngayon." Pero ang dami kaya nung salad. Pangdalawang tao ata yun. Aw!

Tas kaninang lunch naman.. umorder ako spamsilog. 3 slices ng spam + 2 eggs + 1 rice + 1 iced tea. (oh btw, sulit siya sa presyo niya promise!) Ang kinain ko lang 1 itlog 2 spam halfrice at iced tea. Tas pinakain ko na kay nico yung natira. Sabi nung isa, "Bilib ako sayo." Ako naman, "Huh?!" Ang dami kaya nun. Pero sabagay dati kaya ko ubusin yun spam laya yun! Aw.

Bago umuwi inaya ako ng tinapay ng Starbucks ni Mam.. habang nagkukuha sila ako tinignan ko yung laman ng box sabay sabing, 'Sige po, thankyou." At tinignan ako nung nagalok sakin at nginitian ko lang siya. Sabay alis.. SB yun.. gusto ko yun. Pero d man lang ako nagatim na tumikim. Anyare?! May lagnat? Walang panlasa? Haha

Naglakad ako pauwi dahil maliwanag pa at emote lang habang nakikinig ng soundtrack ng Begin Again. Dumirecho na sa karinderya at umorder ng isang hiwa na isda tas inom tubig. Solve! Masarap namam kain ko habang kakwentuhan yung cna titatito mayari. Naalala ko nung kelan pinalibre nq ni tito yung asawa ni tita kc kalahating order ng miswa lang kinain ko. Nabusog naman ako. Parang naawa ata sakin. Anyenyeee!

Ang kukulit reaksyon nila.. o ganun lang talaga ko katakaw dati? KLK May mga nagsasabing pumapayat ako pero parang hindi ko naman pa napapansin talaga. Ganun pa man, okay naman ako sa mga kinakain ko. Di ko naman nararamdaman na deprive ako. Wag ko lang makita yung chuckie ko sa ref nila xelaris. Hahaha Pero sa totoo lang, kumakain naman talaga ako. Ang dami ko nga nakain combos lastweek. Pati nung bday ni dokie. Pero sa kaya ko pa kainin noon, nabawasan na ngaun. Tsaka dati may mga takaw tingin pa ko sabi nga ni ngusho tska glutton mode on, ngayon wala na yun.

Madami na palang nagbago.

(o'.'o)

2 comments:

Anonymous said...

Glutton! glutton! glutton!! :')

pishnge said...

Huh? ikr. :') Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinasabi mo o maaasar.. kc may bebi glutton ako na so so dear to me.. oh well.. kung cnu ka man enjoy reading! #Goodvibes Thanks sa comment tho. -- (o'.'o)