Tuesday, January 2, 2024

H N Y 2 0 2 4

Hi, bebeblog! H a p p y N e w Y e a r! Andito ako ngayon sumusulat sa’yo habang katabi ang asawa ko na natutulog. May sakit siya, unang pasok ng taon tapos ganito wawa naman. Hindi ako pwede umabsent kaya siniguro ko na makauwi agad para alagaan siya. Halos natulog lang siya nung gabi ng d e c 31, kumain lang tapos natulog ulet. Masama kasi pakiramdam nya ilang araw na. Hinihintay ko mag alas-diyes upang painumin siya ng gamot ngayong araw. Nagluto pala ako ng lugaw na first time ko ginawa dahil gusto daw niya. Sana gumaling na siya. Madalas siya nag-aalaga sakin eh dahil sakitin ako, pero ngayon ako naman at natuklasan ko na parang baby pala to kung magkasakit. Kailangan buong atensyon mo nasa kanya. Madami pa kami malalaman sa isa’t isa. Ganun naman talaga sa hirap at ginhawa. 

Ngapala, naghahanap ako online part-time job para dagdag income. Hindi naman kami mayaman kaya kailangan magwork pa rin. Nagwowork pa din ako at ayos lang yun para masustentuhan namin pareho ang mga nais sa buhay at mga kailangan namin bilhin upang mabuhay. Hindi naman madali mabuhay sa mundong ito kaya kailangan talaga maging matatag ka at magtrabaho ka. Minsan inaatake ako ng anxiety ganun pa man lalaban sa araw-araw. Aja! 

Malapit na concert ng c o l d p l a y sa P H. Nanood na kami last year ng p o s t m a l o n e. Eto naman next! Excited na ako pero at the same time, workwork din. Hihihi 

Nasayang yung isang local air travel namin na hanggang Nov 30 last year na lang dahil may pinagdaanan kami. Ganun pa man, babawi at sana makatravel this year. 

Ang dami ko pa gusto ikwento sa susunod na muli. 

Salamat sa panibagong taon.. 2 0 2 4!

(o’.’o)

No comments: