Hello, bebeblog. Update lang kita sa ganap ganap ko sa buhay. Sa’yo din ako kumportable magkwento. Ayun na nga.. last Sunday, natapos na ako kumpilan. Nagpunta din kami sa napili naming church kaso sarado nung time na yun at may activity sila. Nagsimba na din kami. Ang ganda ng church sobrang gusto ko siya. Ang tagal ko na din pala hindi umaattend Catholic mass. Mas gusto ko kasi umattend christian service.. pero church wedding ang napagdesisyunan naming dalawa. Actually, siya ang mas mas gusto sa church.. at mas nagpupush na magchurch kasi ako ngayon kasi civil wedding will do.. at mas gusto ko garden o kahit yung sa indoor wedding na magrent space ganun.. Di na ako katulad noon kabataan ko.. Nakakatuwa din na etong lalaki na ito gusto nya church wedding. Alam nya na pangarap ko ikasal noon pa. 18 pa lang ata ako nanonood na ako church wedding videos.. Naway matupad naman ang klase ng wedding na mapagdedesisyunan namin dalawa. This Sunday manonood kami ng theater play sa Makati. Nakakatawa kung gaano namin katagal magsecure ng tickets.. Kapag may fiance ka na pala may icoconsider ka na din kasi hindi na gaya dati sa kung saan ang gusto kong seat eh gora na.. budget at seat namin ay dapat parehong swak. Hahahaha Gusto daw nya kasi sumama eh keri ko naman mag-isa. Ang kulet nalaman ko pa na dati daw manonood pala siya dapat ng Sugarfree Musical sa area na yun kaso naubusan daw siya ticket sabi ko huy nanood ako nun mag-isa! Hindi pa kami magkakilala nun eh. Waaaa! Masaya lalo kapag kapareho mo ng trip yung partner mo. Ang next ganap, first and second week ng September weekend ay may aattendan kami bridal fairs. Kinukulet na ako ng mga aney at siya din kung kailan ba ang kasal. Si mommy niya ang kulet nauna pa sa akin maginquire ng possible reception since pamilyar siya sa church at dun pala sila ikinasal ni daddy. Definitely, next year. December ang schedule ng papamanhikan. Sana talaga wag sumabay concert ng E N - sa PH sa kasal namin, aalis talaga ako sa reception hahahahaha Ah basta naway matupad ito at itinataas ko kay Lord ang malakihang plano na ito.
(o’.’o)
No comments:
Post a Comment